"Mas mahal na mahal kita, Terrence.", sagot ng asawa ko. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sakanya.

Mahal na mahal ko talaga ang asawa ko kahit na hindi sya tunay na babae. She's perfect for me, wala na kong iba pang hahanapin.

"Mr. Romeo, anong iniisip mo? Ikaw ha, baka ako nanaman yan hahahaahaha!"

"Eh ano naman ngayon kung ikaw ang iniisip ko? Alam mo bang ikaw lang ang laman nitong isipan ko.", sabi ko at ninakawan ko sya ng halik sa labi.

Nakita kong namula naman sya, ang cute nyang kiligin hahahahaha!

"Mahal naman ehhhhhhhhh"

"Panget mo, wag ka ngang gumanyan nagpapacute ka pa hahahaha!"

"Wow ah pogi mo hahahahaha pakyu ka!"

"Pogi ko naman talaga ah kaya nga ang daming nagkakagusto sakin hays."

"Wooooooh ang hangin! Grabe ang hangin wooooh ang hangin mo talaga!"

Natawa naman ako sa reaksyon nya, para syang ewan hahahaha!!

"Ay mahal! May sasabihin ako.", sabi nya at bigla syang nagseryoso.

"Ano yon?", tanong ko at tumingin sa kanya.

"May iba na kong mahal.", sabi nya at yumuko.

"Seryoso ka? Di mo na ko mahal? Diba nagbibiro ka lang? No, hindi yan totoo, hindi.", maluha luha kong sabi.

Bigla syang humagalpak ng tawa, parang baliw. Napatingin naman ako sakanya.

"Charot lang hahahahahaha!! Bwahahahahahahaha ang uto uto mo honeybunch hahahahahahaha!", tawang tawa nyang sabi.

Sa totoo lang, natakot ako sa sinabi nya hindi na nya ko mahal. Paano nga kung hindi nya na nga ko mahal? Hindi ko kayang mawala sa akin ang asawa ko at hindi ko hahayaang makuha siya ng iba, dahil AKIN lang siya.

"Pinakaba mo ko dun ah, anyways hindi nakakatawa.", malamig kong sabi. Hindi naman kasi talaga nakakatuwa kundi nakakatakot.

"Sorry na mahal ko."

Yumakap naman sya sakin ng mahigpit yung para bang hindi nya ko papakawalan.

"Oo na basta wag mo lang ulitin."

"Pano nga kung may mahal na kong iba, anong gagawin mo?", tanong niya habang nakayakap pa rin sakin.

"Diba sabi ko hindi ko hahayaang mawala ka sakin, gagawin ko muna ang lahat para di ka umalis, pero kung ayaw mo na, di ka na masaya sakin at di mo na talaga ko mahal, handa akong palayain ka at hayaang sumaya doon sa lalaking mahal mo pero once na saktan ka nya, nandito lang ako umiibig pa rin sayo, sinisiguro kong ikaw lang ang mahal ko dahil nanumpa ako sa harap mo at ng altar at sinabing 'ang pag ibig ko sayo'y hindi magbabago kailanman' .", sabi ko at hinalikan ang kanyang noo.

"Asus talaga lang ha."

"Bakit meron nga ba?"

"Wala. Ikaw lang, alam mo yan kahit na uugod ugod ka na, mahal na mahal pa rin kita."

"Ikaw ang kasama kong tumanda.", sabi ko at kumindat.

"Matanda ka na ulol magpipti por ka na hahaha!"

"Uy walang laglagan, buset ka ah. Wag kayong maniwala sa pinagsasabi nyang gurang na yan mga readers hahahahaha", sabi ko at tumawa ng malakas. "Hoy para kang baliw", sabi nya.

"Baliw sayo."

xx Vice' Point of View ××

Bumabanat nanaman ang asawa ko. Kinikilig naman eke aheeee aheeeeee!

Terrence Romeo's WifeWhere stories live. Discover now