Setting you free

13 3 0
                                        


Nang makapasok ako sa kanilang gate ay nakita ko ang mga kaibigan niya na parang kagagaling lang din sa iyak.

Lumapit ako kay Jaypee na kaibigan din niya

"Anong nangyari?" Tanong ko rito.

"Wala... sige una na'ko," sabi nito at binigyan niya ko ng isang ngiti bago umalis sa mansyon.

Pagkadating ko sa loob ay nakita ko agad ang kapatid niyang si Selene na umiiyak.

"Selene, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ko rito pero di sya umiimik.

"Clay..." Malungkot na saad ng kanyang nakatatandang kapatid na si Evan.

Agad akong lumapit sa kanya.

"Asan si Kath?" Tanong ko rito.

"Nasa kwarto niya," walang emosyong sabi nito.

Papasok na sana ako sa silid ni kath ng nagsalita ulit si Evan.

"Clay, b-bago ka pumasok sa loob sinabihan ako ni Kath nabasahin mo daw muna ang nilalaman ng diary na yan." Nakatulalang saad nito.

Tumango ako at umupo sa hagdan para basahin ang mga nilalaman ng diary ni Kath.

Pagkabuklat ko sa unang pahina ay tumibok nang mabilis ang puso ko.


My Bucket list.

Be happy.

Find some guy who can love me.

Make him happy.

Make happy memories with him.

Leave him.

Make new moments without me.


Lahat nang naunang nabanggit sa bucketlist niya ay natupad niya maliban lang sa pinakahuli.

Dahan dahang nadudurog ang aking puso sa mga nabasa ko at tuluyan ng bumagsak ang mga luha.

Bakit gusto niyang gumawa ako ng bagong alaala na...wala siya?

Binasa ko pa ang ilang mga nakasulat dito at sa huling tatlong pahina.


April 12

Dear Diary,

Hayyy!! Anniversary na namin (sabog confetti) ni alien ko. Simple lang ang celebration namin nanood ng sine, kumain sa restaurant plus may pa teddy bear si alien,flowers at letter with drawing ( pangit ng drawing) hahaha pero ok lang love ko naman sya ehh.. Best day ever sakin yon. May poreber kase samin eh! Hahaha. Love na love ko yung alien na yun kahit abnormal minsan


"I LOVE YOU CLAY THE ALIEN OF MY LIFE"

#TEAMCLATHFOREVER

CLAY RIVERA <3 KATHRYN SY

--

April 17

Dear Diary,

Hayy! Ngayon nalang uli ako nakasulat dito dahil busy kay alien (charot). Minsan nahihirapan na kong huminga at mabilis mapagod. Pag tinatanong ako ni clay kung bakit raw sinasabi ko lang na masama pakiramdam ko (well katalkshitan ko). Ewan ko ba bat di ko masabi-sabi sakanya tungkol dito eh siguro natatakot ako. Alam ko kasing lalaban pa sya tsaka di ko pa nagagawa yung iva sa bucketlist ko ang onti na nga lang nun eh di ko pa magawa hayss ok lang isa lang naman na yung natira dun eh di na ko mahihirapang gawin yon. Mahal na mahal ko yan si clay kahit na nasa ibang mundo na ko siya at siya parin ang mamahalin koo. Love you Clay "Alien of my Life"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Setting you freeWhere stories live. Discover now