naalala mo paba ?
nuong musmos kapa
nuong masaya ka pa
sa atensyong binibigay nya
naalala mo pa ba?
nuong bata ka pa
gustong gusto mo pang
nakakasama sya
maglalambing kapa
magpapakarga sa kanya
mga panahong alam mong mahal na mahal ka nya.
at ganoon ka rin sa kanya
yung lahat ng gusto mo
handang ibigay nya
makita ka lang nyang masaya
ang bilis ng panahon no
nakalimot kana
nakalimutan mo ng tatay mo pala sya
at anak ka lang nya..
naging walang galang ka
binalewala mo sya,
sinaktan at itinuring na iba
bakit ngayon umiiyak ka ?!
nasasaktan ka?
nahihirapan ka??
masakit sa dibdib diba!
nagiguilty ka sa kanya?!
tang ina baka huli na,
baka wala ka ng magagawa,
baka kulang pa lahat ng iyong luha..
baka huli na para humingi ng tawad sa kanya..
naalala mo ba nuon
masaya ka pa pagdararing sya
sinasalubong mo pa sya ..
niyayakap,
hinahagkan..
di ba nga minsan sa buhay mo
isa syang mabuting ama sa paningin mo ..
na handang gawin ang lahat para sayo..
natanong mo ba kahit minsan kung anong nararamdaman nya??
sa tuwing naiiwan syang mag isa
nalalaman mo ba kung gano kasakit?
na ipagtabuyan sya ng sarili nyang pamilya?
yung kinikimkim nyang sakit kapag binabalewala mo sya?
wala kang alam sa nararamdaman nya di ba?!
hindi mo nakikita yung luha na pinipigilan nya tuwing may okasyon at hindi ka nya kasama
pasko bagong taon at kung anu ano pa..
yung luha ng ligaya sa tuwing naaalala mo yung kaarawan nya.
nabigyan mo nga ba ng importansya lahat ng sinasabi nya??
hindi naman di ba ..
YOU ARE READING
paalam ama
Randomsinulat ko to para sa kanya .yung alam kong huli na pero gusto ko pa din ipaalam sa kanya na importante sya..gusto kong malaman nya na ako pa din yung batang hinihintay ang pag uwi nya .. gustong magpakarga sa kanya .at ako pa din yung batang mahal...
