Goodmorning

1 0 0
                                        

"Ailaaaaa!" Sinigawan ako nito hanggang sa makabangon ako. Its 8:36 in the morning, ang aga aga! Bakasyon naman ngayon ah? Bat ang aga mambulabog neto?! Nang pumasok ito sa aking kwarto, nakita ko na si manang pala.


"Manang ikaw pala yan.."



"Maglalaba ako, asan na yung mga ipapalaba mong damit?"



"Andun po sa tabi ng cabinet ko, ako na magbababa manang.."



"Sige, may nakahanda nang almusal dun"



Nag hilamos at nagtoothbrush muna ako bago magpalit ng damit at saka bumaba para ibigay kay manang ang mga ipapalaba ko bago mag almusal. Nang makarating na ako sa kusina, wala sila, baka siguro umalis sila, hindi ko natanong kay manang.. Habang nag aalmusal, naisip ko yung panaginip ko kagabi.. May nakilala daw akong lalaki na matangkad kaso hindi ko nakita yung mukha, yung itsura nya dahil ang labo. Napatigil ako sa pagiisip nang biglang mag nagsalita.



"Umalis sila kasama ang ate mo, ikaw? Wala kabang pupuntahan? Akala ko ba, makikipagkita ka ngayon sa bestfriend mo?"



Oo nga pala! Makikipagkita ako ako Trisha ngayon! Hays. Katamad.



"Opo manang mamaya maya pa ako aalis."



Kinuha ko ang cellphone ko at nagmessage kay isha.



"Anong oras ba tayo magkikita?"


*Beep*


"10:00 am. Punta ka house"


"Okay sigeeeee"


"Mag ayos kana ha!! Alam kong mabagal ka magayos, ayoko nang pinaghihintay ako"


"Hahaha ok"


Dahil sinabi nyang mag ayos na ako, nag ayos na ako, nawala bigla yung katamaran ko kasi naisip ko na nakakaboring dito sa bahay. Isang buwan nalang bago magpasukan pero wala paring ganap sa bakasyon ko, pano ba naman kasi ayokong sumama sa mga swimming namin, ayokong umitim hahahaha. Mag aayos na pala ako myghaaaad ligo na ako!



Pagtapos kong maligo nagbihis na agad ako, its already 9:30. Naka leggings ako at naka white tshirt lang, tutal hindi naman kalayuan tong pupuntahan ko noh. Isang street lang naman pagitan namin ni isha.



*Beep*


"Nasan kana? 9:30 na."


"Paalis na ako, nagpapatuyo lang ng buhok."


"Okay, see you mwa!"


Pagtapos kong magpatuyo ng buhok, nagpaalam nako may manang at dali daling umalis. Gtg!



DestinedBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin