Chapter 2

148 6 2
                                    

Disclaimer:

Kung mayroon mang pagkakatulad ang istoryang ito sa buhay ng tao o sa ibang mga gawang istorya ay hindi ito sinasadya at nagkataon lamang.

_________________________________

Sabay kaming naglalakad ngayon ni Ken papuntang sakayan ng jeep. Since magkatapat lang naman kami ng bahay ay lagi na kaming sabay na pumasok. Habang nasa daan ay naalala ko nanaman yung nagawa ko kay Adrian kahapon. Di ko naman sinasadya na nasobrahan ako sa pag ganti sa kanya.

"Ohh ang lalim nanaman ng iniisip mo." Pagputol ni Ken sa pananahimik ko.
"Hindi ahh."
"Kanina kapa kasi nakatulala dyan. Bakit ba?"
"Di wala to siguro di lang maganda gising ko."

Nakarating na kami sa school at ngayon ay nasa classroom na at inaantay yung prof namin sa major. Pagpasok ko ay nakita ko na si Adrian, himala di ata sya late ngayon. Pero ang mas napansin ko ay ang mga pasa nya sa mukha. Ano kayang nangyare sa kanya? Umupo na lang ako sa tabi nya since lagi naman kaming magkatabi.

"Ehemm ehemm." Mukang nakuha ko ang pansin nya.
"Sorry nga pala kahapon ahh di ko naman yun sinasadya."
"Alam mo ikaw lang nagpahiya sakin ng ganon sa buong buhay ko." Sinabi nya yun ng medyo nanggigil na sya kaya medyo natakot ako.
"Sobrang sorry talaga Adrian kasi ikaw rin naman ehh."
"Ano bang ginawa ko sayo at para pahiyain moko ng ganon!?"
"Kasi naman di ka man lang magsorry nung nabangga moko sa hallway."
"Tangina yun lang ba? Edi sorry! Napakababaw mo namang bakla ka." Aba medyo na triggered ako dun ahh.
"Tangina ka rin."
"Humanda ka sakin." At bigla syang umalis ng classroom medyo natakot ako sa pagbabanta nya pero di ko na lang masyadong inisip yun.
"Ohh anong nangyare." Biglang tanong ni Ken.
"Ewan ko dun bayaan mo sya." At buti na lang dumating na yung prof namin

Natapos ang klase namin at vacant ko na pero si Ken may klase pa na minor. Naglibot libot muna sa school para medyo masanay ako sa lugar. Pumunta ako sa arts building ng biglang may humatak sakin sa isang kwarto doon.

"Ano ba!!!" Sigaw ko sa humatak sakin

Nasa isang madilim na classroom ako ngayon at tanging ilaw lang sa may taas na butas ang nakikita ko. Biglang bumukas ang ilaw at nakita ko ang limang kalalakihan sa harap ko. Kingina rarapin na ata ako gosh!!! Tatakbo sana ako sa pinto nang biglang humarang si Adrian doon.

"At saan ka pupunta?"
"Ahh...ehhh... la...la..lalabas na" medyo utal utal kong sagot dahil natatakot nako dahil nga binantaan nya ko kanina.
"Ngayon mo ilabas tapang mong bakla ka."
"EH NAGSORRY NGA AKO SAYO KANINA DIBA!!!" Nilabas ko talaga tapang ko sinigawan ko sya.
"Ang tapang mong bakla ka ahh sige kayo nang bahala dyan." Utos ni Adrian sa mga kasama nya.
"Te...teka anong ga...gagawin nyo?"
"Papatikim lang namin sayo yung sarap na hinahanap hanap mo!"
"Teka nga nagsorry na nga ako sayo kanina Adrian ehh ano bang gusto mong gawin ko!?"
"Gagawin mo ba lahat ng ipapagawa ko?"
"Oo basta wag mo lang ako pagalawin sa mga asungot mo." Pero gwapo sila ahh hihihi
"Osige magpanggap kang syota ko."
SYOTA KO SYOTA KO SYOTA KO paulit ulit kong naririnig yan sa utak ko.
"ANO!!! OKAY KA LANG WAG NA NO! MAGPAPAGALAW NA LANG AKO SA MGA TO."
"Okay sige bugbugin nyo na yan."
"TEKA TEKA TEKA!!!" Napaisip tuloy ako pero kasi naman ehh ayoko naman sa gusto netong Adrian na to pero papanget naman ako pagnabugbog ako ng mga to.
"Hayy nako tagal magisip sige na bugbugin nyo na yan."
"Wait eto na nga ehh pumapayag nako."
"Ano?"
"Bingi ka ba? Pumapayag na ho ako."
"Good."
"Ngayon pwede na ba akong umalis?"
"Hindi dahil sasabay ka samin kumain."
"Huh ayoko nga!"
"Hindi pwede, pumayag ka nang maging syota ko kaya lahat ng papagawa ko gagawin mo! Okay ba babe?"
"Anong babe ka dyan?"
"Wala ayun lang naisip kong endearment bakit aangal kapa?"
"Hindi"
"Ohh good kaya tara na."

No choice ako, nandito kami ngayon sa canteen nakaupo kasama si Adrian at mga fuckboy nyang tropa na hindi ko pa rin kilala pero kung titignan mo sila ay puro sila mga gwapo at mga batak. Nagtext ako kay Ken kung nasan sya kaso di naman nagrereply ang unggoy, nyeta talaga.

"Ohh kumain kana." Bumili si Adrian ng ulam at kanin with drinks.
"Ayoko di pa naman ako gutom."
"Wag mong talikuran ang pagkain kung hindi ingungodngod ko yan sayo."
"Hala akala ko ba syota moko tas biglang ganyan treatment."
"Lul magpapanggap lang tayo pag nandyan si Andrea." Medyo nahiya tuloy ako tangina feeler ko talaga.
"Bro bro bro si Andrea!" Sabi nung isa nyang friend. Bigla naman umakbay sakin si Adrian.
"Ahh BABE kain kana alam mo naman ayaw kong nagugutom ka kase sobrang akong patay na patay sayo."
"WOOOAAAHHHH." Sigaw ng mga tropa nya
"Grabe pare inlove na inlove kana kay Arjay no?"
"Oo naman sa cute ba naman neto hindi kaba maiinlove?" Ngumiti na lang ako kase baka mabugbog ako pag di ko ginalingan.
"Ohh kain kana wag ka nang ngumiti ngiti dyan natutunaw ako ehh."
At kumain naman ako isa rin akong uto uto. Tinignan ko yung Andrea tumingin sya saglit sa pwesto namin pero binaling nya yung tingin nya ulet sa mga kasama nya as if parang wala kami tas bigla silang umalis. Totoo nga maganda yung Andrea at mukang crush ng bayan talaga ewan ko bat nya pinatulan tong asungot na Adrian na to.
"Mukang di naman effective ehh?" Sabi ko.
"Para karin kasing tanga dyan ehh ngiti ka lang ng ngiti kinikilig ka rin kase."
"Lul as if naman no! Saka galingan mo naman kasi mga linya mo! Kingina ang korny ehh kaya ka siguro hiniwalayan." Bigla naman sumeryoso yung mukha nya.
"Ohh wag kang maasar dyan."
"Ewan ko sayo kumain ka na nga lang dyan."

Bumalik na kami sa classroom. At medyo nanibago ako sa mga tingin ng mga kaklase ko kase naman parang ibang tao kami ni Adrian kung tignan nila kami. Hinawakn ni Adrian ang kamay ko at nakaramdam ako ng kuryente kay napabitaw ako sa kanya pero hinawakan rin nya agad. Umupo na kami sa upuan namin since magkatabi naman kami lagi at inaantay lang yung prof namin.

"Adrian?" Tawag ko sa kanya pero di nya ko pinansin.
"Adrian?? Huyy!!" Pero waley pa rin.
"Ano ba Adrian???" Niyuyugyug ko na sya pero wala pa rin talaga.
"Alam mo kung ano dapat mong itawag sakin para pansinin kita."
"Supot ano ba??"
"Wow kapal mo ahh."
"Hahahahaha may tatanong kasi ako sayo!" Pero di nya rin ako pinansin. Teka alam ko na.
"Babe?"
"Yes babe?" Tumingin sya sakin with matching wagas na smile. Ngayon ko lang mas lalong nakita yung kagwapuhan ni Adrian. Grabe ang perfect pala nya talaga, iba talaga tama sakin ng mga chinito.

"Ohh ano sobra ka na atang na gwapuhan sakin?"
"Lul may tatanong lang kasi ako."
"Ano ba kasi yun?"
"Bat ka pala nasa cafe kahapon?"
"Nandun ka?"
"Hindi wala, tanga lang?"
"Ehh malay ko ba? Pero seryoso nga"
"Oo nandun ako pero nagtago ako sayo kase parang may iniintay ka ata."
"Oo ikaw iniintay ko kaso tinaguan mo lang ako." Nakapout na sabi ni gago. Shet bat ba sya ganito.
"Bakit nga? parang tanga naman to ehh."
"Basta wag mo nang tanungin okay?"
"Hmmm ehh bat ka may pasa sa mukha sinong may gawa nyan?"
"Bat ba tanong ka ng tanong?"
"Buti nga concern pa ko sayo ehh." Ay wow concern pala ahh.
"Wow concern ka pala ahh"
"Bakit nga?"
"Wala to napaaway lang kami sa inuman."
"Tss okay." di na rin sya nagsalita at dumating na rin prof namin.

Natapos ang klase at nagayos nako ng sarili at ng mga gamit ko.

"San kaba nakatira? Hahatid na kita"
"Wag na kasabay ko bestfriend ko."
"Sino? Si Ken?"
"Yup tama ka dyan."
"Tss okay bahala ka dyan." Bigla syang tumayo at umalis na, di ko na lang rin pinansin bahala sya dyan.

Nasa bus na kami ngayon ni Ken at buti na lang di tayuan kaya nakaupo kami hahahaha pero traffic naman bwiset!!!

"Ikaw ahh may boyfriend kana pala di ka man lang nagsabi."
"Huh?sino?"
"Edi sino pa ba edi si Adrian"
"Ahh yun?" Di ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya pero di ko na lang muna sasabihin na magpapangap lang kami.
"Grabe ka ahh kahapon tinanong mo lang pangalan tas ngayon bf mo na? Grabe ka talaga bes."
"Ano ba manahimik ka nga lang dyan pagod ako ahh."
"Tsk bakit ginalaw ka na ba nya?"
"Parang tanga to di no!"
"Ehh kiniss?"
"Wala pang ganun ganun."
"Pero magkaholding hands pa kayo kanina." Napangiti tuloy ako nung naalala ko.
"Hayy nako Ken pagod ako ahh."
"Tss nagseselos kasi ako." Bigla akong napatingin sa kanya pero nakapikit sya kaya ewan ko ba kung tama yung narinig ko, di ko na lang rin pinansin at natulog na lang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You (boyxboy) TagalogWhere stories live. Discover now