Chapter Six

338 15 11
                                    

Kulang ang salitang wow para i-describe ang natatanaw ng mga mata ni Danica. Totoo pala ang reviews na nabasa niya online. The sunset from AJ Hackett Tower was astounding. Idagdag pa ang sweet hubby niyang ka-holding hands niya. May mahihiling pa ba siya? Akala niya ay sa pangarap na lang siya maide-date ni Cielo nang ganito. But no, heto sila ngayon, magkasama habang nasa buwis-buhay walk path sa tower na talagang nilaan sa sky walk at sky jump.

"Ang ganda," Cielo uttered kaya napalingon siya dito. He was smiling while watching the sunset.

"Ako ba iyan?" biro ni Nica.

Binalingan siya nito. "Patingin nga." Masuyong tinitigan siya nito. Kumabog ang puso niya. The way he looked at her was like how he stared at her during their wedding rites. "Maganda nga."

"Magaling ka nang mambola ngayon, Cielo Baby." He just chuckled. "Upo tayo doon!" Tinuro niya ang pinakamagandang spot pagkatapos ay hinila niya ito. Walang reklamong sumunod lang ito sa kanya. Umupo sila sa edge. Natakot siya nang mapagtanto kung gaano sila kataas. Napakapit tuloy siya sa braso ng asawa. "Hala, ang taas-taas pala natin. Nakakatakot!"

"So, hindi na tayo tatalon mamaya? Natatakot ka na." He squeezed her hands. "Nanginginig na ang kamay mo. Pasok na lang tayo sa loob?" A trace of worry covered his face.

She took a deep breath and happily turned to him. "Gusto kong tumalon. Magkasama naman tayong tatalon di ba? Parang ikaw lang 'yon, pa-fall... ako naman, na-fall in love."

Tumawa ito. "Alam mo ba kung gaano kita kamahal?"

Umiling siya. "Hindi. Puro denials mo nga lang ang alam ko e."

Ngumiti ito sa kanya kasabay ng munting kilig na umusbong sa puso ni Danica. Jusko, ganito pala ang feels na maligawan ni Cielo. Kaloka. Kahit asawa na niya ito, hindi pa rin niya maiwasang kiligin. Hinawakan nito ang kanyang kamay na nakadagdag pa sa kilig na nararamdaman niya.

"Gaano nga ba kita kamahal? Katulad ng halamang araw-araw nag-aabang sa ulan. Katulad ng buwan na naghihintay sa bukang-liwayway. Katulad ng mahabang byahe sa dagat na tila walang humpay. Maghihintay ako ng matagal kahit gaano katagal basta sa dulo ng aking paglalakbay ang makikita ko ay ikaw."

Nagtriple ang kilig sa puso ni Nica. It was like a spoken-word poetry. Tulang ginawa nito para sa kanya at tinula pa nito mismo sa harap niya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at inalalayan siyang makatayo rin. Pagkatapos ay hinawakan nito ang magkabila niyang kamay. He set his expressive eyes on her.

"Mula noong unang araw na tumitig ka sa akin, hindi ko na napigil. Ang iyong ngiti ang bumuhay sa puso kong nananahimik. Ang iyong mga mata ang tanging pares na gusto kong babasa ng lahat ng mga bagay na di ko masabi. Dahil madalas mata ko lamang ang kayang magsalita kahit pipi."

He held her closer by hugging her on waist. They were now inches away from each other. PDA na sila kung tutuusin dahil sunod lang nang sunod ang staff ng AJ Hackett sa kanila pero wala silang pake. Ang alam lang ni Danica, ito na talaga ang pinakahihintay niyang pagkakataon sa buhay niya. Walang pakialaman! Mainggit kayo!

"Para akong lobo na bagong hangin na tangan mo. Mawawalan ako ng buhay, isang saglit lang pagkabitaw mo. Para kang charger at ako ang battery ng laptop mo. Pag nawala ka, paano na ako?" Nag-sad face pa ito. And that made him more adorable to her eyes.

"In fairness, pa-cheesy ka na ha," biro niya para iwasang ma-overload sa kilig.

"Di pa ako tapos."

Bukas Na Lang Kita Babastedin 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon