Prelude

5 0 0
                                        


Nakatanaw ako ngayon sa ika-walong hanay ng puno ng mga mangga kung saan naroroon si Adassah, ang anak ng may-ari ng farm na pinagta-trabahuan ng aking pamilya. Ang pamilya ni Adassah ay isa sa pinaka-mayaman sa aming baryo kung kaya't nagmadali pa akong tapusin ang aking mga gawain upang makita lamang siya ngayon.

Sa totoo lang, ngayon ko lang siya nakita. Ayon sa pagkakalarawan ni kuya Bojie sa akin, napakaganda ni Adassah. Maputi ito at sadyang nakakagaang magmasdan ang bawat galaw niya. Tahimik ito at palaging nag-iisa.

Ngayon nasa harap na niya ako. Hindi ko namalayan ang aking sarili na nakalapit na pala ako sa kanya. Huli na para tumakbo dahil agad na niyang napuna ang presensya ko.

"Sino ka?" tanong niya. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang makita niya ako. Kumunot ang noo niya at nang ambang magsasalita siya, agad kong sinagot ang kanyang katanungan.

"Mayu...ang pangalan ko ay Mayu," nakayuko kong tugon sa kanya.

Naramdaman ko ang paggalaw niya. Lumibot siya sa akin na tila pinagmamasdan niya akong maigi sa mga titig niya. Nanatili akong nakayuko at pinagmasdan ang paa kong naka-tsinelas at nababalutan ng putik. Pilit kong iwinaksi ang takot sa aking diwa pero halos kainin ako ng kaba nang magsalita siya.

"I've never seen you before. Caretaker ka rin ba dito kasama nila manang Lora?" napatingin ako sa kanya at agad na tumango. Nagulat ako nang ngumiti siya at ini-angat ang palad niya palapit sa akin. "Adassah Malliari, anak ako nila mommy Shen at Daddy Gil." Kinuha niya agad ang kamay ko at hinawakan ito nang mahigpit. Agad ko itong binitawan at itinago sa likod ko. Tatalikod na sana ako nang marinig ko siyang tumawa.

"Now we know each other, can we play near the pond? Ayaw kasi nila akong payagan kung wala akong kasama."

Hindi pa man ako sumasagot ay agad na naman niya akong hinila papunta sa pond.

Sa ganoong paraan kami nagkakilala. 'Ni hindi ko siya kilala at hindi ko siya kaibigan pero inaamin kong nung mga panahong 'yon, nangarap akong sana...hindi na matapos ang ala-ala naming 'yon. Sana hindi na matapos ang oras na hawak pa niya ang kamay ko.

Sa paglipas ng limang taon, tandang-tanda ko pa ang unang beses na nginitian niya ako, ang mga oras na kasama ko si Adassah...pilit ko mang kalimutan pero hanggang ngayon naka-ukit pa rin sa aking isipan ang maganda niyang mukha.

Sana maibalik pa ang lahat ng 'yon.

Sana naaalala pa niya...

--

A story written by sanchisan.

Author's note:

Hello readers! Thank you for adding this book to your library (wattpad's library). As of to my other stories, I've decided that I will not continue it anymore. I just realized that those genres are too much for me so I create a new story that I think I can write completely. Sorry for those mistakes but don't worry because I will try my best (again) to finish this story. I cannot promise anything to you guys so whatever your expectations are (referring to this story), I am discouraging YOU to read this. But if YOU think that you can bear my laziness (all the time), I think you're qualified (WOW) to read my story.

Again thanks.


SinceWhere stories live. Discover now