Ginagawa niya akong patalastas,
Habang hinihintay ang paborito niyang palabas.
Samantalang ikaw nabibitin sa dalawang oras,
Pag kasama ako ayaw mo itong lumipas.
Ako ang payong na ayaw niyang Dalhin,
Na bibitbitin lang niya kapag makulimlim.
Habang ang araw pinipilit mong pasikatin,
Upang huwag lang niya akong tuluyang gamitin.
Ako ang kandila na isinasantabi niya,
At hahanapin lang kapag nag dilim na.
Habang ako ang paborito mong lampara,
Na gusto mong buksan kahit maliwanag pa.
Ako ang kumot na tinatago niya,
At ikukumot lang kapag malamig na.
Pero ako ang unan na niyayakap mo pag natutulog ka,
At parang ayaw mong bitawan kahit umaga na.
Ako ang panghimagas na ayaw niya,
Na idinudura niya kapag nauumay siya.
Pero ako ang gusto mong kendi na laman lagi ng iyong bulsa,
Na hindi ka makakaalis pag wala kang dala.
Siya ang mainipin Kong tagalarawan,
Na pag naiguhit na ako'y Tinatamad siyang kulayan.
Ikaw ang letratista na gusto akong kuhanan,
At sa bawat klik ng iyong kamera, awra ko'y gusto mo pang gandahan.
YOU ARE READING
Colors Of My Heart
PoetryPaano ang tula kung walang damdamin? Pag daramdam mo ba'y kaya mong bigkasin? Umiyak man ako'y walang pumapansin, Kaya't sa tula na lang ihinayag saloobin.
