MALI BA NA MAHALIN KA PART 1

1.7K 11 0
                                    

Jamie ang pangalan ko galing ako sa isang simpleng pamilya. nakatira kami sa newyorkcity. madami akong kaibigan halos araw araw nagpaparty kami sa bahay ko. ito ay aking kwento ng pagibig . isang makahulugan at di inaasahang pagiibigan. eto yung masasabi kong "it's complicated." 

isa akong estudyante sa isang university dito sa newyork. malapit na akong magtapos bilang IT. Si Mama at si Papa ay nasa California doon na sila naninirahan, binibisita ko na lang sila doon tuwing bakasyon. 

Ace ang pangalan ng best friend ko magkaibigan na kami since highschool pa lang. Lahat ng barkada namin ay puro babae. babaeng tawag nila ay kakaiba. Hindi lalake ang hanap namin kung hindi ay kawpa babae. minsan pag nagtatanong ang mga tao tungkol sa love life namin tinatawanan na lang namin toh. kasi minsan napapagod na lang kami sa kakapaliwanag sa kanila.

Kami ni Ace ang pinakaclose sa buong barkada. Kami ang magkasama sa lahat ng kalokohan. Mas matangkad lang sakin si Ace ng isang inch. Siguro ngtataka kayo kung anong itsura ko. 5'6 lang ang tangkad ko pero okay na yun. Hindi naman kasi sa tangkad nakukuha yan. kung hindi sa pananamit at sa kacutan. Ako ung tinatawag nilang "cute" si Ace naman ay si "pogi." Never kong napansin ang mga pagkakapareho o pagkakaiba namin ni Ace sa isa't isa hanggang dumating sa litrato si Angel. Siya ang girlfriend ni Ace. Maliit lang siya, mga 5 flat pero sobrang ganda ng kanyang katawan. maitim na buhok at ang kanyang "killer smile" that compliments everything about her.

Nagpaparty kami sa bahay ng makilala ko si Angel. Dito nagsimula ang maala roller coaster naming lovelife. 

"Nasaan na kaya 'tong si Ace."

tanung ko  sa aking sarili.

"Hoy Jamie." Pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likudan.

Nang pagtalikod ko napansin ko ang isang magandang babae. Ito ang unang pagtatagpo namin ni Angel. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nung araw na yon. Para bang bagay na bagay ang pangalan nya sa kanyang muka, ng nagtama ang aming mga mata biglang tumahimik ang paligid ko . Nanglambot ang aking mga tuhod, ngunit hindi ko ito ipinahalata kay Ace, dahil sa isang tingin pa lang alam ko na kung sino itong babaeng kasama nya.

"Oh, tol ang tagal mo naman, kanina pa kitang hinihintay namuti na mata ko ah."

"Omg sorry where's my manners, ako nga pala si  Julien Jamie Malabon Magtagtag. haha ang baho ng pangalan ko noh, u can call me whatever you want... miss...?

"Oh, Angelina Magsasay at your service, Miss Cutie walang manners.."

Ang sabi ni Angel

"Haha I knew it magkakasundo kayong dalawa tol."

"tol ace naman pati ba naman nick name ko binuking mo?"

"tol hindi lang yon sinabi ko din kung gano ka katinik sa babae."

"Hahahaha, oh well hold on let me introduce you guys in a formal way."

"Babe, Si Jamie nga pala bestfriend ko, isa sa pnakamakulit sa barkada."

"Tol si Angel nga pala, girlfriend ko."

MALI BA NA MAHALIN KA (A lesbian love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon