THE 7 WANDS

3 1 0
                                        

THE 7 WANDS
Story by: xxXMysteriousPinkXxx

~+~

PROLOGUE

‘‘Ilka!Ilka! Tara maglaro na tayo!‘‘

Sigaw ng batang babae sa kaibigan niyang si Ilka.

Hinila hila naman ni Ilka ang kamay niya mula sa kanyang ina na para bang nagpapasama siya.

‘‘Inay!Inay! Makikipaglaro po ako sa prinsesa! Samahan niyo po ako sa palasyo!‘‘

Ngumiti naman ang kanyang ina at tumango. ‘‘Sige anak.‘‘

Pagkarating sa palasyo ay agad na tumungo si Ilka sa pinakamaliit na hardin ng palasyo katabi ng Ikawalong Salas ng palasyo. Madalas sila maglaro doon ng prinsesa.

Ang ina naman ni Ilka ay tumungo sa Ikawalong Salas ng palasyo upang makipagkwentuhan sa reyna.

‘‘Wika! Namiss kita bestfriend! Hihihi.‘‘

Napangiti si Wika sa inasta ng bestfriend niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabago. Maganda pa rin at halata ang umbok sa tiyan.

‘‘Hahaha masyado kasi akong abala sa bahay namin. Pero namiss din kita Ghal. Sobrang abala lang talaga ako. Kamusta na pala?‘‘

Nagpatuloy ang kwentuhan nila habang naglalaro ang kanilang mga anak.

‘‘Ilka! Kunwari ikaw yung nagbebenta tapos ako yung bibili. Ha?‘‘

Tumango naman si Ilka at pumunta sa tinda-tindahan ng 8th Garden nila.

‘‘Pabili po Aling Ilka! Hahahaha! I-isang tinapa nga po at isa‘t kalahating b-bigas! hahahaha‘‘

Hanggang sa puro tawanan na ang kanilang naririnig.

‘‘Mahal na hari, nanganak na po ang Reyna ng Kad Clan. Masamang balita pa po. Lalaki ang kanyang anak.‘‘

‘‘Sanayin mo na ang anak mo sa pakikipaglaban, Oka. Sasanayin ko na rin si Euka. Maghahanda tayo para sa labanan.‘‘

~+~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RANDOMWhere stories live. Discover now