Hailey's POV
"hailey!!! si Iver nasa rooftop nagsisisigaw ikaw ang tinatawag"agad bumungad sakin pagkatapos kong makapasok sa room..Si Iver siya yung unang nakilala ko sa university bukod sa sikat siya dahil tinagurian siyang Ultimate playboy/cassanova eh anak din siya ng may ari ng school.....Halos 2 months na siyang nangliligaw pero ayaw ko pang sagutin...May tamang oras at panahon kasi dun
"ha?bakit naman daw?"nagtatakang tanong ko
"hindi ko alam basta sumama ka nalang"sabi nito saka ako hinigit papuntang labas room
Tumigil kami sa quadrilateral square ng school madaming tao ang naandun na sa ngayon ay ipinagtaka ko ultimo teachers ay naandun
"HAILEY ESQUIVEL!!" isang sigaw ang narinig ko....Sigaw na nanggagaling sa itaas..
Sigaw na ang pangalan ko ang sinambit.....
Dahil dun ay napatingin ako sa itaas na kung saan nanggaling ang boses.....
Halos walang lumabas na salita sa aking bibig...Gulat yan ang isang salita na maididiscribe mo sakin ngayon
Paano naman hindi magugulat
May tarpulin o should i say tila kalahati ng billboard picture ang nakita ko sa itaas na nagsasabing
HAILEY ESQUIVEL!! Will you be my girlfriend?........Will you be MINE?
Kasabay nito ay ang pagflash ng picture ko ng stolen sa malaking screen ng school na nagsisilbing announcement board kapag may mga event
"Hailey!alam ko na masyadong mabilis siguro mga 3months mo palang ako nakikilala....Hindi man ako naniniwala noon sa love at first sight pero pinatunayan mo yun sakin kahit hindi mo alam minahal kita ng palihim alam ko sa ngayon hindi kananiniwala sakin dahil narin sa bansag sakin sa school na ULTIMATE PLAYBOY/CASSANOVA pero dahil sayo nagbago ako papatunayan ko sayo na malinis ang intensyon ko formal akong magpapaalam sa inyong mga magulang..."pinutol niya ang kanyang sasabihin ng saglit at nagwikang
"Mr and Mrs..Esquivel mam sir"ng sabihin iyon ni iver ay agad napabaling ang atensyon ko gilid na kung saan nakatayo ang mga guro at pati magulang ko..
"mam sir alam ko pong wrong timing to dahil dito ako sa school nagpapaalam pero sisiguraduhin ko pong pagpumayag kayo at pumayag ang taong mahal ko asahan ninyo po araw araw ako sa bahay ninyo"pagkasabi nito ay napuno ng tawa ang quadrilateral square napabaling muli ako sa aking mga magulang at hindi ko inaasahan nagthumbs up si daddy kay iver ibig sabihin lang nito ay boto ang mga ito kay iver
"paano bayan hailey approve na sa parents mo sagot mo nalang ang hinihiling ko.....Hailey please give me a chance to prove to you that i really love you...Please?"nagsusumamong tanong ni iver tumingin muli ako sa aking mga magulang at ngumiti ang ang ito muli ay ibinaling ko kay iver ang ang paningin kita sa mukha nito ang kaba na nararamdaman niya...
Ngumiti ako at nagwikang
Yes iver
Agad napuno ng sigawan ang paligid dahil sa tuwa ngunit nahaluan ng takot ng biglang tumalon si iver mula sa roof top
Abot abot ang kaba ko pero isa lang pala iyon sa prank ni iver dahil may tali pala siya...
Nang makababa ay agad itong nagtungo sakin
"Talaga?hailey sinasa- aray!para saan yun?"daing nito dahil hinampas ko siya ng libro....Libro ng katabi kong student
"Loko ka talaga bakit ka tumalon dun ha?paano kung naputol ang tali edi napahamak ka...Hindi mo na matutupad yung sinabi mo na araw araw kang pupunta sa bahay para maiprove mo sarili mo sa magulang ko....Pano na ako kung-"naputol ang pagsasalita ko ng yakapin ako ni iver
YOU ARE READING
Broken Promises(one shot long story)
RandomKaya mo pa bang sumugal sa pangakong kanyang sinabi?? Pangakong kahit ilang taon na ang lumipas kanyang iningatan....Pangakong hanggang sa kasalukuyan dala dala niya...... Pero dadating talaga sa puntong kailangan mo nang bitawan ang pangakong iniw...
