Simula

2 0 0
                                        

"C'mon Chloe , ayusin mo naman ! " sigaw ng photographer namin. I posed for another shot pero hindi nya parin nagustuhan.

"Oh my gosh Chloe ! What's with you ? Fix yourself , let's just resume this photoshoot tomorrow. I'm done here." saad nito kasabay ang pagtalikod sa'kin. Nakatingin lang ako sa likod nyang papaalis at agad naman akong dinaluhan ng mga kaibigan ko.

"What is it this time Chloe ?" tanong sa akin ni Charm , co-model ko .

"Nothing. I just can't get over with the movie I've watch last night. " Tanging sinabi ko habang nililigpit ang gamit ko. pero hindi nya binili ang palusot ko. Hindi ito sumagot at nanatiling nakatayo sa harapan ko.

Natapos ko na ang pagliligpit ng gamit ko pero naramdaman ko ang mataman nitong pagtingin sa'kin. "What ?" I asked her.

"So you're telling me that you were spacing out because you can't get over a movie ? Oh dear , you're not a good liar. Spill it."

"Wala nga. I'm telling the truth." I said as I turned my back on her.

"I bet it's still him isn't it ?" my brows arched as she say those words. Napabuntong hininga nalang ako.

"Okay , I give up. Yeah , it's him. Have you read the news ?"

~*~

"Oo nga , mare. Totoo nga kayang uuwi dito ang anak ni Gob ?" rinig ko sa paguusap ng mga matatanda sa may bukid.

"Balita ko'y ayaw nya noon dito ? Grabe pa nga ang pag-iyak nya noon nang malaman nyang dito sya mag-aaral noong ba-- oh ! Andito pala ang anak ng mga Apurado. Magandang araw señorita." bati nito sa akin. Ngumiti lamang ako dito at lumagpas na. Hindi pa ako nakakarami ng hakbang nang tawagin ako ng mga ito.

"Señorita! Yung panyo po ninyo" saad nito sabay abot sa akin ng nahulog kong panyo.

"Salamat po aling Lisa."

"Walang anuman , hija. Naku madumi na pala ito. Teka muna at banlawan natin para matanggal yung putik" akma na itong tatakikod ngunit napatigil dahil sa pagtawag ko.

"Aling Lisa wag na po. Makakaabala pa po ako. Ako nalang po ang maglalaba nyan" nakangiting saad ko dito.

"Ikaw talagang bata ka. Kaya hindi minamalas ang negosyo nyo eh. Napakabait nyo talagang mag-anak. O sya. Doon ka na sa may lilim at umiinit na "

"Sige po aling Lisa mauna na po ako "

Pagkaalis ko sa bukid ay agad akong tumungo sa Gazebo sa may sentro. Pagdating ko dito ay nakita ko ang isang lalaki. Siguro ay matanda lang sya sa akin ng apat na taon. Sa tantya ko ay nasa 20 na ito. Umalis ito nang mapansin ako ngunit ipinagsawalang bahala ko lamang ito. Umupo ako at tinanaw ang pag alis niya.

Kahit sa pagtalikod ang cute nya. Hindi ko naiwasan ang paghanga sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AmbonWhere stories live. Discover now