P R O L O G U E
Limang taon na ang nakakalipas noong una ko siyang makilala.
That day, the clouds were so dark and the strong cold wind was blowing against me.
Sa kalagitnaan ng pagmamadali ko sa pagtahak ng daan pauwi, a few droplets of rain started to fall – hudyat na anumang oras ay bubuhos na ang ulan.
Agad na nilibot ng paningin ko ang paligid para humanap ng masisilungan.
Shortly, my eyes stopped searching when a figure of a jet black-haired guy standing beneath the rusty roof of a waiting shed nearby caught my gaze. Nakatingala siya ng mga oras na iyon – gazing at the dark, cloudy sky.
I curiously stared at him. There was no any emotion written on face but there was loneliness glinting on his dark eyes.
I wondered what he was thinking about that time.
In a sudden, his eyes shifted and met mine.
For some reason, I felt my heart skipped a beat.
Our gazes snapped nang tuluyan nang bumuhos na ang kanina pa'y nagbabadyang malakas na ulan. Doon ko na lang napagtanto na naging abala pala ako sa pagtitig sa kanya at nilimut-limutan ko na naghahanap nga pala ako ng masisilungan.
"Omaygad!" Nagpapanik akong umalis sa kinatatayuan ko, dashing straight beneath the waiting shed's roof. And then, I stood next to him.
Hindi pa ako nakakatagal noon sa kinatatayuan ko pero parang gusto ko nang umalis. Hindi ako mapakali. May kung anong nanunudyo sa akin na lingunin siya. Na tignan siya. Nangangati ang mga mata ko na dungawin siya. But my head was telling me to not do so.
I squeezed my eyes shut in frustration.
"Wala ka bang dalang payong, Miss?" My heart almost jumped out of my rib cage when his cold, low voice reached my ears. Slowly, I lifted my troubled face to glance at him.
He was looking at me intently with his eyebrows furrowed.
Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko at agad kong binawi ang tingin ko sa kanya.
Hindi ako nakapagsalita na para bang umikli ang dila ko. Nahihiya na lang akong umiling bilang sagot sa kanya at pagkatapos ay nakipagtitigan na ako sa itim at kumikislap sa kintab kong sapatos.
Wala na akong narinig sa kanya pagkatapos noon. Nanatili lang kaming nakatayo roon hanggang sa humina ang pagbuhos ng ulan.
"Wear this." I almost turned into a shatterproof stone nang naramdaman ang pagsaklob ng itim niyang jacket sa ulo ko.
Pakiramdam ko, parang kinikiliti ang tiyan ko habang naaamoy ang manamis-namis pero matapang niyang pabango.
"Ano...para saan 'to...?" I stammered.
Pero hindi man lang siya nag-abalang sabihin sa akin kung para saan ang ginawa niya. Instead, he wrapped his arm around my shoulders and it made hold my breath for seconds. He gently pulled me closer to him and the surface of his black umbrella hovered above us. Gulat akong tiningala siya pero hindi ko na maaninag ang mukha niya. My vision got blurry and blurry.
"I'll walk you home."
And I don't know what happened next as everything went black in an instant when I heard my phone chimed.
Agad akong napabangon mula sa kinahihigaan ko at saglit na natulala sa kawalan. Naipikit ko na lang ng mariin ang mga mata ko nang mapagtanto kong panaginip lang pala ang lahat.
YOU ARE READING
Never Until the End
RomanceFor five years, lagi ko lang siyang pinagmamasdan mula sa malayo.
