Hulaan niyo kung sino
Sa wattpad kilalang-kilala ito
Maganda, mahusay at may-angking talino.
Na siyang bumihag sa aming isipan at puso
Hambog kung siya'y tawagin
Hambogest na nakilala namin
Sa pagsusulat siya'y napakagaling
Sa kanyang gawa kami ay nahumaling
Napakagaling na manunulat
Na nagngangalang Maxine Lat
Kwento niyang magaganda lahat
Tiyak sold out kanyang mga sinulat
Bago ko man ito tapusin
Gusto ko lang sanang sabihin
Di man pang champion ang dating
Ate maxinejiji sana iyong mapansin
Na dito sa aking munting tula
Madama mo aming paghanga
Inspirasyon ko ang iyong mga gawa
Lalo na sa mga kwentong ikaw ang may-akda
Hinding-hindi ka malilimutan
Kwento mong binabalik-balikan
Kwento mong di pagsasawaan
Nakatatak na sa aming puso at isipan
