LARO
Naalala ko pa nung naglalaro tayong patintero
Oo, dun tayo nagsimula.
At dun ko naramdaman na tapos na tayo
Ay wala nga palang tayo.
Naalala ko nung ansaya natin paglalaro
Na hindi tayo tatakbo at dun lang tayo
Hahayaan nating mapagod sila
Habang tayo, nakaupo at naguusap ang ating mga mata
Nung pag magkakampi tayo,
Sabay tayong tatakbo
Pero bakit parang tumigil kana sa gitna
At ako nalang ang patuloy na tumaktakbo
Nung pag magkalaban tayo,
Hinaharangan mo talaga ako
Na para bang ayaw mong mapunta ako sa iba
Na para bang sinasabi mong "akin lang siya"
Pero bigla mo akong pinakawalan
Pinakawalan mo ako nung panahong sobra na kitang minahal
Pinatakbo mo ako,
Hanggang sa napagod na ako!
Doon ko naramdaman na wala ka na,
Wala na akong kasabay sa pagtakbo.
Iniwan mo na pala ako!
Iniwan ng hindi ko manlang alam
Bumalik ako, oo bumalik ako kase mahal kita
Bumalik ako, sa pagaakalang babalik ka pa.
Bumalik ako, oo dahil inaasahan kong magpapaliwanag ka
Bumalik ako! Nakakapagsisi dahil bumalik pa ako!
Pag balik ko, nakita kita.
Akala ko magiging masaya ako pag nakita kita!
Pero kabaliktaran pala.
Dahil nakita kitang kayakap siya!
Naglalaro kayo ng patintero
Saktong pagbalik ko,
Saktong pagtaya mo
Pagtaya mo sa kanya at bigla mo siyang niyapos.
Saka ko lang naisip na, antanga tanga ko.
Bakit pa ako bumalik?
Ako na nga yung iniwan,
Ako pa yung makikipagbalikan.
Siguro nga kasi tanga ako
Siguro nga kasi sobrang inisip kita
Siguro nga kasi nagbigay ka ng motibong akin ka
Siguro nga kasi mahal na talaga kita!
Sa laro ng pag-ibig,
Masasabi ko na panalo parin ako
Dahil kahit nasaktan ako
Natuto parin ako ng dahil sayo.
