Untitled Part 1

2.1K 10 0
                                        

MKDC 01

ANG MASUNGIT NA SI DR. THOMAS CHAN

Pumasok si Thomas sa physician's quarters. Nakita niya ang mga batang doktor na residente at interns ng ospital na nag-uusap at nagtatawanan sa loob.

Pinandilatan niya ang mga ito, "ano'ng ginagawa niyo dito?! Hindi pa ba tapos ang break time? Paano kayo matututo kung puro kayo tsismisan sa loob. Get out! Read charts! Talk to your patients! Do something! Ano na lang, mas masipag pa kaming mga consultants kaysa sa inyo?! Gaahd!" Umalingawngaw ang malalim boses niya sa loob ng kuwartong iyon.

Sumilay ang takot at panic sa mukha ng mga taong nasa loob. Agad nag-ayos at nagkumahog ang mga ito, kinuha ang mga gamit na pang-doktor at isa-isang humangos palabas. Nahirapan ang mga ito na umiwas sa kanyang malaking maskuladong katawan na nakaharang sa may pintuan.

Hinablot ni Thomas ang braso isang batang lalaking doktor, "Dr. Elpidio, naghihintay ng IV replacement orders 'yung ibang pasyente mo. Ano kapag wala 'yung consultant, nganganga ka na lang? Paano kang nakapasa sa board?"

Ang mukha ni Dr. Vance Elpidio ay parang nakakita ng multo. "Sorry po Dr. Chan. I will make the orders po." Tapos ay nagmamadali itong lumabas.

Hinarangan niya ang huling doktor na babae na lalabas din sana. "I have to speak with you, Dr. Clarete."

Tumango si Dr. Stacey Clarete. "Yes Doc." Tumingin sa kanya ang babae nang makahulugan.

Nang matira na lang silang dalawa ay sinara na ni Thomas ang pinto at kinandado iyon. Tapos ay muli siyang humarap sa babae. Agad niya itong niyakag at hinalikan.

Noong una ay tumugon ang babae. Ngunit nang hinigpitan niya na ang kanyang yapos ay medyo pumiglas na ito.

Saglit siyang bumawi. Kumunot ang noo niya, "oh, ano'ng problema, Stacey?"

Tumingin ang babae palayo, "bakit kailangan mo pang gawin 'yun?"

"Tsk. Alin?!"

"'Yung palabasin sila. Tapos dito pa gagawin. Pinag-chi-chismisan na nila 'ko, Thomas," may yamot sa boses nito.

"Don't mind them," pagwawalang bahala niya, "besides tama naman ako. Ilang oras na ba kayong nakatambay dito? You should be working."

"Eh 'di dapat kasama akong lumabas," mariin nitong sabi, "I'm also a resident."

"Do you really care if they think that we're fucking?" sarkastiko niyang sabi, "tsk. We're both consenting adults."

"No! Maling mali 'to. You are a consultant, I am a resident. Nasa iisang ospital tayo. We're supposed to be in a professional relationship!" mariing sabi ni Stacey, "we shouldn't be fucking here at work."

Namaywang si Thomas, "alam mong invincible ako sa ospital na 'to. Whatever I do, and whatever do with you, hindi naman ako mape-penalize. Ano ba'ng problema Stacey?! We've been doing this 'forbidden' thing for a month now. Bakit ka ngayon umaarte?"

Biglang sumimangot ang babae. "I know you've been fucking other residents here. Alam kong nilalandi mo ultimong nurse at staff, basta sexy. Buti nga hindi mo pinapatos 'yung mga pasyente mo, 'eh."

Huh. 'Yan ang akala mo. Naisip niya, "tsk. Do I look like I care? Alam mo na 'yan 'di ba? Ano? Ayaw mo na?"

Tumungo ito, "all the sex was good, Thomas. Ginusto kong pumasok sa promiscuous mong mundo. Kaso, I want something real. 'Yung committed relationship talaga. Maibibigay mo ba sa'kin 'yun Thomas?"

Hindi muna sumagot si Thomas. Tinitigan niya muna ang babae. Galing ito sa Pampanga, nakapangasawa ang ina ng isang mayamang kano. Matangos ang ilong ni Stacey, maningning ang mga mata. Ang mahaba nitong buhok ay naka-pusod kaya litaw ang eurasian features ng mukha nito. Nakasuot uto ng above-the-kneww dress na form fitting, at pinatungan iyon ng puting coat na pang doctor. Ngunit alam niya ang makinis na balat at sexy na katawan na tinatago ng damit nito. Kabisado niya ang kahubdan ng babaeng ito— ng lahat ng babaeng naikakama niya.

MKDCStories to obsess over. Discover now