Naalala mo pa ba? Ang mga ala-ala nating napakasaya ?
Na mag kasama pa tayo sa hirap man o sa ginhawa..
Mga ala alang tapos na pero hindi parin mabura .. sa aking isip. Gabi gabi pading nanaginip na tayo parin ay sobra sobrang nag mamahalan na hindi kinayang mag tipid.
Mga ala-alang tapos na at kailangan ng kalimutan pero hindi magawa dahil lalo lang akong nasasaktan.
Ang puso ko ba ay tama at dapat pabang sundan? Kung ikaw ay masaya na at hindi na nahihirapan?
Madamot na kung madamot, pero hindi ko mahanap ang gamot para makalimot. Nakaka loko, nakaka gago , nkaka baliw sadyang hindi na nakaka aliw.
Tama nga ang puso ko, tama nga lang pala na ipag laban kita, na wag ng mag hanap pa ng iba. kase alam kong may pag asa pa.. may pag asa pa... may pag asa pa na maging tayo pero hindi ito madali , hindi hindi ito biro, ako na din ang nagiging seryoso sa bawat salita na aking pinapayo.
Mahirap mang mahalin ako muli pero hindi ito rason para akoy mag paka sawi. Mas mabuti pang, pang hugutan ko ito ng lakas para ikaw ay aking mabawi.ipaparamadam sayo na hindi naman msamang subukan muli.
Linggo , buwan , taon. Wala akong pakealam kung gaano ito katagal. Susubukan ko padin pasensya na kung ako ay magiging epal. Alam ko namang masaya kna pero alam kong may isasaya kpa. At iyon ay pag tayoy nag sama na ulit o aking sinta.
Halata nman na ikaw padin saakin ay napaka halaga, aalagaan kita pati na ang iyong buong pamilya. Lahat ay gagawin ko para maibalik ang mga masasayang alaala na mistulang nabura sa iyong isipan.
Mahal parin talaga kita at sana ay iyo nang makita. Na lahat ng gagawin ko ay hindi lng para saakin pero para saatin ding dalawa. Hindi na ako papayag na ikaw muli ay mang tamlay, ipaparamdam ko sayo ang aking pag mamahal habang buhay. Hinding hindi ako susuko at nakapag pasya na.
Na susundan ko ang puso ko sa hirap man o sa ginhawa.
