This is work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.
—
Naalala ko una kong maranasan yon.
Yung biglang titigil ang bawat segundo, segundong nakapag pa hinto ng paningin ko.
Simple lang naman ang suot mo noon.
Pero tila ba sayo lang nakatuon ang buong atensyon ko.
Para naman siguro akong gago kung sasabihin kong tinamaan ako sayo?
Anong ginawa mo at ginanito mo ako?
Kakagaling ko lang sa sakit, tapos paparamdam mo sa akin ay kilig?
Hindi naman ata makatarungan iyon?
Pero ano naman ba ang kasalanan mo?
Na maglakad lang papuntang eskwelahan at napukaw mo ang mata ko na nakasunod sayo?
Na maglakad ka ng walang muwang na may nakatitig na pala sayo at tinamaan sayo.
Ako nga pala si Hemi, maging magkaibigan sana tayo...
Muna tayo..
YOU ARE READING
Kahit Dito Lang
PoetryKahit Dito Lang (Completed) Written by: BlueSocket [Plagiarism is a crime.]
