"Wait. Paano mo nalamang Finance major ako?", tanong ng dalaga.

"Uhm, you seem loyal to your program. Suot mo pa 'yong organization shirt niyo last fund-raising. At oo nga pala, we won."

"Ah.", sabay tawa ng dalaga. Umikot na naman ang paningin niya. Bakas ang pagkahilo.

Lumaking bigla ang mga mata ng binata. 

"Nurse! Nurse!"

"Bakit?", tanong ni Eryel.

"Nadugo ilong mo."

Pinunasan ni Eryel ang ilong niya. Dumikit sa likuran ng kanyang palad ang ilang dugo. 

Natawa ang dalaga. Inilapit niya ang daliri sa binata ngunit bigla itong namutla at tumumba.

Pagmulat ni Marck, magkatabi na ang kama nila ni Eryel.

"Anong nangyari?"

"Takot ako sa dugo."

What? Of all things? Dugo? 

"S-s-sa dugo?"

Tumango na lamang ang lalaki, tumalikod ito at kinuha ang bag niya. 

Nakaisip ng kalokohan ang dalaga. 

Kinuha niya ang lipstick sa pouch niya na nasa table lang din sa tabi ng kanyag kama. Kinulayan niyang kaunti ang kanyang mga daliri, tulad noong mga dugo galing sa ilong niya kanina. Tumayo siya at lumapit sa kama ng binata. Hindi napansin ni Eryel na nakaipit ang hospital gown na suot niya sa isang turnilyo ng bed niya.

"Sa ganito?", tanong ni Eryel habang biglang inilapit ang daliri.

Nagulat ang binata. Naihagis nito ang bag niya kay Eryel, na siya namang pumwersa kay Eryel na tumumba, at tuluyan nang napunit ang hospital gown nito.

Napatingin si Marck kay Eryel. Nakatumba ito. Wala uling malay. At walang saplot bukod sa neon yellow nitong bra.

And to cut the story short, doon na sila nagkakilala.

General Assembly na ng College of Commerce. Kailangan may performance per college. May kung anong pakulo ang mga nasa College Government. May patimpalak pang tinawag na The Noise, rip-off ng The Voice, ang pinagkaiba lang ay mga hindi marurunong kumanta ang kasali. Technically, sinali. Kasi hindi alam ng mga contestants na kasali sila, not until the event. And so destiny played. Kasali si Eryel. 

Kopyang-kopya naman ang lahat. Pati rotating chairs, meron (mga office chairs sa loob ng College Office na nagkataong pula).

Hindi pa alam ni Eryel na judge si Marck, Nakatalikod pa rin ang mga judges. Pumayag si Eryel na sumali dahil nanonood ang mga professors nila. And as future business people, kailangan lumabas lahat ng kapal ng mukha nila. Kasama na rin ng pambubuyo ng pito niyang kaibigan, umakyat na si Eryel ng entablado, kasama ang anim pang minalas/sinuwerteng napag-tripan. 

First time niyang gagawin 'to. At siya rin ang unang kakanta/sisigaw/iiyak, whichever seems more likely.

Sinimulan na ni Eryel. 

Hello. It's me. I've been wondering if after all these years you'd like to meet.

Nagulat ang buong auditorium. Walang nag-expect. Ang galing kumanta ni Eryel. 

Kinakalikot ni Eryel ang relos na suot niya. Pampatanggal ng kaba. Ngunit noong malapit nang humupa lahat ng kaba niya, napalingon siya sa mga nasa baba ng stage. Halos lahat sila, nasa lapag na ang mga panga sa sobrang gulat.

Umikot ang isang judge. 

Nagulat ang judge.

Nagulat si Eryel. 

Choose MeWhere stories live. Discover now