Prologue

14 0 0
                                    

Grade 3


"Hoy Yvonne! Ano akala mo ba kaya mo ako ha?"


Nakaupo lang ako sa isang sulok ng canteen namin nang bigla nanamang sumulpot itong si bully sa tapat ko. Inaasar nanaman niya ako na hindi ko raw siya kaya. Nananahimik lang ako rito pero bigla nalang siyang nang-aasar.


"You're too weak! Hindi mo ko kakayanin! Blehh!"


At dinilaan niya pa ako. Bigla siyang lumapit sa akin ng kaunti at nagulat ako nang bigla niya nalang kinuha ang burger na nasa kamay ko at tinapon ito.


"Ano ba!" Sigaw ko habang umiiyak. Pero patuloy pa'rin siyang nangiinis sa akin.


"Crying baby? hahaha! funny face! you're ugly while crying!"


Hindi ko na napigilan at umiyak na ako ng umiyak. Pero hindi pa'rin niya ako tinitigilan.


"Stop crying! Lalo ka lang pumapangit! hahaha!"


Naikuyom ko na ang kamao ko sa sobrang galit. May naramdaman akong pag-init ng mga palad ko at sobrang init na nito. Nang hindi ko na mapigilan ay nagulat nalamang ako nang biglang gumulo ang paligid, lahat ng tao ay nagtago dahil sa nangyari.


May kung anong lumabas sa mga palad ko at nasira ang kabuuan ng canteen. Natakot si Andie noon at tumakbo palayo sa'kin.


"Ahh! Help! Monster! Monster!"


Napaluhod ako at umiyak ng umiyak nang bigla akong tawagin na monster ni Andie. Walang sinuman ang lumapit sa'kin. Nalaman ng buong bayan namin ang mayroon sa aming pamilya na roon ko lang nalaman. Na ang nakapinta sa aking palad na may letter S ay doon nagmula ang kapangyarihan na nailabas ko.


Lumayo kami sa syudad at dinala kami ni Mama sa isang malayong lugar malapit sa gubat. Akala ko ay mga puno lang ang makikita namin ngunit habang tumatagal ay may bumungad sa aming isang malaking gate na may nakaguhit na letter S sa tuktok nito katulad sa nakadrawing sa aking palad.


"Ang mga taong Secreter lang ang nakakakita sa lugar na ito anak"


Napatingala muli ako at doon ko natuklasan ang napakaraming mga taong katulad namin, na may mga tinatagong kapangyarihan, na bumubuo sa isang Secreter katulad ko.


At doon nagsisimula ang lahat bago ako maging isang ganap na Secreter....


--

Secreters RepublicWhere stories live. Discover now