Ano kaya ito?

10 1 0
                                        



I. Wala akong pakialam sa'yo

noong una nga'y hindi kita pansin

ni anino mo'y hindi ko matingnan

sa araw-araw na nagkakasalubong tayo sa daan.


II. Gustong-gusto ka ng aking kaibigan

At hindi ko lang siya simpleng kaibigan

Matalik ko pa siyang kaibigan

At laging kasama kahit saan.


III. Tagapakinig niya ako sa mga kuwento niya sa iyo

Pangalan mo ang kanyang laging bukambibig

Kumakalabog pa kanyang puso

Sa tuwing mga mata ninyo'y naglalapit.


IV. Hindi ko alam anong meron sa'yo

Hindi ka naman masiyadong gwapo

Simple ngalang ang tindigmo

Pati narin ang mga ngiti mo.


V. May isangbeses, nagkasalubong tayo

Naisip ko, hala..crush 'to ng bestfriend ko

Tinitigan kita ng ilang Segundo

At sa ilang segundong iyon ay may nag-bago.


VI. Sobrang linis at simple mo palang manamit

Simple lang rin maging ang iyong gupit

Pati na ang iyong gawi

Ngunit hindi pala simple ang iyong mga ngiti.


VII. Hindi ka na nawala sa isip ko simula nu'n

Mga lima yatang segundo

Dikit na dikit kana dito

At nananatili sa loob ng isip ko.


VIII. Simula nang nag-kolehiyo ako

hind ina akokailanman humanga sa isangtao

marami namang may itsura sa iskol na 'to

pero ni isa walang nakakuha ng atensiyon ko, maliban sa iyo.


IX. Kinakabahan ako sa nararamdaman ko

Hindi ako sigurado pero may clue na ako

Kumakalabog kasi waring puso

Satuwing nagkikita tayo.


X. Ano nga ba itong nadaraman ko

Pag-ibig na ba ito o simpleng paghanga lamang sa tao?

Natatakot kasi ako sa maaaring matanto

Ano nga kaya ito?

Ano kaya ito?Stories to obsess over. Discover now