MBMMP Chapter 1

Zacznij od początku
                                    

“sana sa susunod pilayan mo na ang manyak na yun  para madala” sabi pa nung isa.

“ahh e, kung wala lang rules dito e pinilayan ko na talaga yun” nagnod sila.

“Fiona sa maswerte ka kay pres. Dapat mo siyang ingatan dahil mabuti siyang kaibigan”

“oo nga e. salamat talaga best ha” ^_^ ako na ang good friend.

“pres alam mo kaya ka hindi nagkakaboyfriend dahil sa sobrang tapang mo, natatakot na sayong lumapit ang mga lalaki, mas matapang ka pa nga sa ibang lalaki diyan e.” biglang sumabat si Tricia Sy, isa sa apo ng pioneer ng school namin.

“Tricia aanhin ko naman ang lalaki? Kaya ko namang mabuhay na wala sila.” Napatingin silang lahat sakin. Oo na ako na ang Bitter, pero totoo naman diba? Nabubuhay nga akong walang ama syempre kaya ko rin mabuhay ng walang boyfriend. (for now lang naman, syempre gusto ko rin magkaruon ng pamilya).

“sure ka ba dyan pres.?” Nakakairitang tanong ni Tricia. Makitid talaga utak nito.

“oo, bakit?” ayan napaoo na lang ako para matigil na siya

“wala lang. ok yun ang gusto mo.e” para kay ewan Tricia. “oh guys pano ba yan di kayo kailangan ni pres. Kaya kapag may gagawin yan wag niyo nag tulungan ha.” sigaw niya. Hay naku nagpakairal nanaman ang makitid na utak ni Tricia. “haggang kalian ka kaya mabubuhay na walang boys, I want to see kung hanggang kailan ka tatagal” nagevil smile pa. >.<

 Pagkatapos namin kumain ay nakatingin sakin halos lahat ng students, pumunta ako sa cr para maghilamus. Grabe kasi ang init…

Tumingin ako sa salamin

“ano ba ang problema mo?” tanong ko sa aking sarili. Hay ewan bahala na nga.

“best”

“AY KABOTE” napasigaw ako ng biglang lumabas ang mukha ni Michael ng buksan ko ang pinto.

“kabote na agad???” bukod kay Fiona Marie Liton ay may isa pa akong bestfriend siya si tan ta ra ran tan tan (may sound effect pa yan) Michael Vanz Chavez (apo ng Dean) gwapo, matangkad at matalino yan ang characteristic ni Michael, actually crush ko yan simula nung first year hanggang ngayon pero mas bagay sila ni Fiona kaya yun sila ang linilink ko. Haha. Baliw lang.

“sabi ni lola may nasuntok ka nanaman daw?” kahit ba naman si dean chismosa.

“oo e”

“dapat tinawag mo ako natulungan pa sana kita.”

“ano ka ba Michael ok lang ako, kayang kaya ko na yun noh”

“sino pala yung nasapak mo”

“si chimp, minanyak nanaman kasi si Fiona”

Ms. Bitter meets Mr. PervertOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz