Isang SIMPLENG MAG-AARAL lang ako. Nangagarap na makatapos sa pag-aaral at makapagtayo ng sariling bahay.
SIYA?
FAMOUS yan. Kasama sa isang Dance Troupe. Tinitilian ng karamihan. Kumbaga hindi lang SIYA magaling sumayaw... May laban din pagdating sa papogian ika nga.
Pero hindi ako nangangarap na makilala nya sana ako. Na makasama ko SIYA kahit isang beses lang sa buong buhay ko.
Oo nasa kanya na lahat pero di ko alam kung bakit di ko SIYA trip na maging crush ika nga nila.
Hanggang sa isang araw napanood ko SIYAng sumasayaw mag-isa sa stage.
Sumasayaw o gumagalaw SIYA ng naaayon sa tugtog at mga salitang binibitawan ng mang-aawit sa kanta.
Hindi SIYA basta sayaw lang dahil mararamdaman mo talagang galing iyon sa puso niya.
Humanga ako sa pagsayaw niya.
Oo crush ko na yung pag-indak niya pero hindi mismong SIYA.
Nakakatawa man pero hindi ko naman kasi SIYA masyadong kilala. Kilala ko lang SIYA bilang isang mananayaw at sa pangalan niya.
Minsan ko na SIYAng nakita na may kasamang babae. Ramdam mo sa mga kilos at titigan nila na espesyal sila sa isa't-isa.
Hindi ako naaapektuhan. Yan ang akala ko rin. Dahil simula noon.. Di na SIYA nawala sa isip ko.
Dumaan ang maraming araw na hindi ko SIYA nakikita siguro dahil huling taon na niya sa kolehiyong pinapasukan naming dalawa.
Mula ng malaman ko yun.
Di na ko umaasa na makikita ko pa SIYA ng madalas.
---
Umuwi ako ng bahay bitbit ang isang babasahin. Nasa loob nito ang pangalan niya at isang larawan.
Masaya na ko sa isang larawan niya na alam kong hindi lang ako ang mayroon.
---
Nagulat ako ng bigla SIYAng lumapit sakin. Ngunit hindi ko ito pinahalata.
Hindi pa rin SIYA nagbabago.
Naudlot ang mga imahinasyong naglalaro sa utak ko ng bigla siyang magsalita.
"Hi kaklase mo ba si *toot*?- SIYA
"HUH? Ah! Oo bakit? ".
"May sasabihin lang sana ako sa kanya. Pwede mo ba kong samahan kung nasaan man siya? "-SIYA ulit. Ang sarap sa tainga ng kanyang mga tinig.
"Sure! " Masaya kong tugon sa kanya.
Nagtataka man, sinamahan ko pa rin SIYA. Nag-usap sila ni *toot* at mukhang nag-aaway sila. Nasa tabi ko lang silang dalawa dahil hindi NIYA ko pinaalis sa tabi niya. Nahihiya man pero sumunod ako.
Hindi ko intensyon na makinig ngunit di ko maiwasan.
Nakikipaghiwalay si *toot* sa kanya.
Humihingi SIYA ng paliwanag ngunit di sumasagot si *toot*.
Di rin nagtagal ay naglakad ito paalis ng may luha sa mga mata.
Di ko SIYA matiis na makitang umiiyak SIYA.
Hinabol ko SIYA at naabutan ko SIYAng nasa Rooftop.
Naririnig ko ang bawat hikbi Niya.
Wala akong magawa.
Lumapit ako sa kanya at napansin niya naman ako at agad na nagpunas ng mga mata.
Ngunit nagpatuloy pa ring tumulo ang mga traydor na luha niya.
Kinwento niya sakin lahat kahit di niya naman ako kilala.
"Maraming salamat. Hayaan mo babawi ako sa oras na binigay mo para pakinggan lang ako"- nakangiting wika niya sakin.
"Wala yun ano ka ba! Ay naalala ko may basketball kami ngayon sa P. E. Salamat din" -sa oras na binigay mo para makasama ka sandali kahit hindi mo ko kilala - dugtong ko sa aking isipan.
Tumakbo na ko pababa papuntang PE Class ko. Mabuti na lang at hindi pa ko huli.
Nakakagulat man pero halos araw-araw pumupunta SIYA sa room ko para maghatid ng pagkain sakin .
Ni hindi ko nga alam kung kilala niya ba kung sino ako.
Hanggang sa nagkasabay kami sa 7eleven na dalawa. Nagkausap at nagulat sa huling katagang bintawan niya.
"Salamat ***."
Maski ako nagulat. Tinawag niya ko sa pangalan sa una't huling pagkakataon.
---
Nagising ako ng may gulat pa rin sa aking mga mata. Saktong 4:30 ng umaga ng ako'y magising.
PANAG-INIP lang pala lahat.
Akala ko totoong nakausap ko siya.
Akala ko totoong nakasama ko siya.
Akala ko totoong kilala na niya ko.
Ngunit isang panag-inip lang pala ang akala ko'y totoo na.
Nagbago ang lahat.
Ang dating hindi ko paghiling sa Panginoon ng sana makilala niya ko at makasama kahit isang beses ay nagbago na.
Dahil lang sa isang Panag-inip...
Gusto ko na SIYAng makausap.
Gusto ko na SIYAng makasama kahit isang beses.
Gusto ko ng makilala niya ko.
Kahit alam kong wala ng pag-asang mangyayari pa ito.
A/N:
Hello po 😃 nagtry lang ako ng one shot. Baguhan lang po ako sa larangang ito haha. Nawa'y maintindhan niyo po. Bukas ako sa comments niyo. Natatakot akong maggawa ng stories kasi baka walang magbasa pero susubukan ko. Vote niyo na rin po please 😊 Salamat ng marami 😊 kung gusto niyo po itutuloy ko to. Gagawan ko ng story o mas okay ng ganto? Hahaha.
Don't forget to vote and leave some comments and suggestions please. Labyu.😘 Thank you.
YOU ARE READING
Everything Has Changed (One Shot)
RandomHindi ko hinihiling sa Panginoon na makilala mo ko at makasama ka kahit isang beses lang sa buhay ko. Pero... Nagbago ang lahat ng ito dahil lang sa isang pangyayari na hindi ko rin inaasahang magiging tulay para magbago ang lahat ng nasa sa isipa...
