Encantadia : Likha

178 7 1
                                    

Magsimula tayo sa umpisa. Nang mga panahon na ang daigdig ay nababalot ng kalawakan, walang anyo at walang laman. Ang mga tanging nilalang dito ay ang mga Poon. Ang Ynang Poon ay si Ora at ang Amang Poon ay si Krono. Silang magkabiyak ang naghiwalay ng liwanag sa kadiliman. Tinawag nila ang pook ng liwanag na Valinor, ang Paraiso ng Lualhati.

Di kalaunan ay nainip ang nga Poon. Lumikha sila ng mga tagapaglingkod. Sila ang mga Celestia. At tulad ng isang magulang na may paboritong anak, sina Ora ay mayron ding pinakatangi sa lahat ng mga anghel. Ito ay si Emre. At tulad din ng ibang mag-kabiyak, hindi maiiwasan ang pag-aaway. Nang minsan ay nagtalo ang dalawang Poon. Sa kanyang galit, nhawakan ni Ora ang kanyang salapang at naihampas niya ito kay Krono.

Mula sa patak ng dugo na natamo ni Krono, umusbong ang celestiang si Arde. Nang mahimasmasan, nakita ni Ora ang kanyang ginawa at natanto niya ang kanyang pagkakamali. Lumuluha siyang humingi ng tawad sa kanyang kabiyak, at mula sa mga luhang iyon ay isinilang ang celestiang si Ether.

Mula ng magbati ang mga Poon ay lalong naging masagana ang kanilang pagsasama sa paraiso, kasama ang kanilang mga celestiang tagapaglingkod. Ang kasaganaang ito ay nais nilang ibahagi sa iba.

Unti-unti nilang pinunan ang mga patlang sa kanilang kapaligiran. Lumikha sila ng mundo sa pagitan ng liwanag at dilim, at tinawag nila itong Encantadia. Bawat butil ng buhangin, patak ng tubig, ihip ng hangin at init ng apoy ay nagmula sa mga Poon. Lumikha rin sila ng mga mamamayan, at tinawag nila itong mga encantado.

Ang mga encantadong ito ay walang kamuwang-muwang sa mga Poong lumikha sa kanila. Wala silang alam sa pinagmulan ng Encantadia, o ng kanilang magandang pamumuhay. Basta't sila ay namuhay ng mariwasa at maluho, at kung may kailangan sila ay lagi silang humihiling. Kapag mayroon silang karaingan, sila ay tumatangis.

Ang bawat hinaing at hiling ng mga encantado ay ibinubulong ng hangin sa mga Poon. Ang mga encantado ay naging sakit sa ulo. Di kalaunan ay napuno na si Krono sa mga hinagpis at reklamo ng mga encantado. Sa sobrang sakit ng kanyang ulo, kinuha niya ang kanyang sandata. Upang mapawi ang sakit, biniyak niya ang sariling ulo. at mula dito ay sumupang ang celestiang si Keros.

Di nagtagal ay nagkaroon ng sigalot sa pagitan ng mga celestia. Nahati sa dalawang pangkat ang mga anghel. May mga pangkat ng anghel na hindi matanggap na mas mahalaga sa mga Poon ang mga encantado kaysa sa kanila. Para sa kanila, sila ang mas espesyal na nilalang kaysa sa mga encantado, kung kaya't sila dapat ang mas pahalagahan ng mga Poon.

Ang kanilang paninibugho ang naging daan upang mabalot ng kadiliman ang kanilang mga kalooban. Ang kabilang pangkat naman ay mapang-unawa at mabait, at handang ipagtanggol ang mga Poon. Sila ang mga anghel nababalot ng liwanag, sapagkat nanatiling dalisay ang kanilang kalooban.

Ang pagakahating ito ang naging daan sa isang digmaan sa Paraiso. Nagasagupaan ang mga celestia ng liwanag at dilim. Nagapi ng hukbo ng mga anghel ng liwanag ang mga anghel ng dilim. Bilang parusa, ang mga anghel ng dilim ay ipinatapon sa karimlan.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang hindi pagkakasundo sa Valinor. Nalaman ni Krono na may mga celestia na hindi sumali sa digmaan. Kabilang dito sina Arde, Ether, Keros at si Emre. Kinailangang magpasya ng Amang Poon. Ang mga celestiang nasasakdal ay hindi na itinuturing na kakampi ng liwanag. Ngunit sila ang hindi pawang dilim kaya't hindi sila maaring ipatapon sa karimlan. Hinatulan sila ni Krono ng pagpapalayas mula sa paraiso.

Bilang masunuring anak, tinanggap ng maluwag ni Emre ang parusa ng Amang Poon, na siya namag ikinagalit ng mga kasama niyang nasasakdal. Pinagtulungan nina Arde, Ether at Keros si Emre. Ngunit nanaig ang pusong ng isang ama kay Krono. Ihinarang niya ang kanyang sarili sa pagitan ni Emre at ng mga vidaljeng celestia, at dahil dito, siya nag tinamaan ng kanilang mga sandata. Napaslang ng mga celestia ang Amang Poon.

Nasaksihan ni Ora ang mga pangyayari, na lubha niyang ikinagalit. Isinumpa ng Ynang Poon sina Arde, Ether at Keros at nag-iba ang kanilang mga wangis. Si Ether na naging isang dambuhalang ulupong, ay ipinatapon ni Ora sa disyerto ng Encantadia. Si Arde ay naging higanteng buwarka (dragon), at ikinulong sa Balaak. Si Keros na naging tila nagliliyab na anino, ay ipinatapon sa kalawakan. Si Emre ay labis ang pagsisisi sa pagkakapaslang sa Amang Poon at minarapat niyang kusang loob na lisanin ang Valinor. Sa kanyang paglisan sa paraiso, itinayo niya ang Devas. Ang Devas ang kanyang naging panibagong tahanan.

Lubhang nagdalamhati ang Ynang Poon sa pagakapaslang ng kanyang kabiyak, at sa paglisan ng kanyang itinatanging anak. Ang kanyang mga luha ay umabot sa karagatan ng Adamya, at dito nabuo ang Bathalumang si Magindara. Si Magindara ang naging tagapangalaga ng karagatan ng Encantadia, at naging pinuno ng mga sirena.

Habang tumatagal ay lumalim ang pagdadalamhati ng Ynang Poon. Hindi na niya pinakikinggan ang mga hiling at dasal ng mga encantado. Ngunit nanaig ang pusong ina ni Ora. Gamit ang nalalabi niyang determinasyon, kumuha siya ng lupa ng Sapiro, at inilubog ito sa tubig mula sa Adamya. Nang ito ay maging putik, ihinulma niya ito sa kanyang mga kamay upang magkaroon ng hugis. Pagkatapos ay itinapat niya ito sa bulkan ng Hathoria upang matuyo. Ihinabi niya ang naiwang buhok ng Amang Poon, at pagkatapos ang binigyan niya ito ng hangin mula sa sarili niyang hininga. Dito nagmula si Sandawa, ang hinirang na Bathaluman ng Kalikasan.

Ibinigay ni Ora kay Sandawa ang Inang Brilyante, upang ihandog kay Emre bilang huling basbas na makukuha ng bathala mula sa Valinor. Pagkatapos ay isinugo ng Ynang Poon si Sandawa sa Encantadia, upang maging tagapangalaga ng Kalikasan.

Dala ng pagod at pagdadalamhati, tuluyan nang isinara ni Ora ang pinto ng Valinor. Sinasabing ang lagusan papunta sa Paraiso ng Lualhati ay magbubukas lamang sa mga pinagpalang bayaning may dakilang katapangan at dalisay na puso, at sa mga Bunggaitan (pinakamakapangyarihang encantado) na nagnanais ng Ezjin (transcendence) upang mahirang na isang Bathala o Bathaluman. Liban dito, mananatiling nakapinid ang pintuan ng paraiso.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LikhaWhere stories live. Discover now