Di makapaniwalang tumitig ako sa likod niya. "S-Si dark....sinabi sa 'kin ni jiro na may kinalaman daw siya sa nangyayari sa 'yo. Anong ibig sabihin non kuya?" Parang pinipiga ang puso ko sa iniisip na baka may alam si dark rito....na baka niloloko ako ng taong mahal ko.

"Umalis kana kirsten." Pagtataboy niya sa 'kin.

Umiling ako. "Hindi ako aalis rito hanggat hindi mo ako sinasagot kuya." Pagmamatigas ko.

Marahas siyang humarap sa 'kin. "Umalis kana sabi! Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo?! Gusto mo ba talagang matulad sa 'kin?!" Sigaw niya rin pabalik.

Nakuyom ko ang kamao ko. "Wala akong pakialam kuya! Maging halimaw man ako o maging demonyo..wala na akong pakialam!" Sigaw ko pabalik.

"Hindi kita pinrotektahan ng mahabang panahon para magpatalo sa sumpa kirsten! Huwag kang maging mahina!!"

Umawang ang labi ko. "Hindi ako mahina kuya!" Hagulgol ko sabay hampas sa salaming may malakas na mahika. Napaungol ako sa ginawa ko. Napaupo ako habang sapo sapo ang kanang braso kong napaso sa paghampas ko sa salamin. Sh*t! Gawa sa elementong apoy ang mahikang ginamit nila.

"K-Kirsten...." Nag-angat ako ng tingin kay kuya. Halata sa mukha niya ang pagkabahala.

Napalunok ako at tiniis ang sakit. "Wala lang ito kumpara sa sakit na dinudulot niyo sa 'kin." Nanghihina kong bulong.

Hindi na siya nakasagot dahil sa pagdating ni mama at uncle marlon. Nagaalalang lumapit sila sa 'kin habang ako naman ay nag-iwas lang ng tingin sa kanila at hindi sila pinansin. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino.

"A-Anong nangyari?" Alalang tanong ni mama.

Walang sumagot sa kaniya. Nanatili lang akong tahimik. "Hindi mo na kailangang gamutin iyan, uncle." Pagod kong sabi ng akmang titingnan nito ang sugat ko. Inilayo ko na sa kanila ang braso kong may sugat at tahimik na tumayo.

"A-Anak...may problema ba?" Alalang tanong ni mama.

Umiling lang ako at tahimik na lumabas ng silid. Sapo ko ang kanang braso ko habang naglalakad pabalik sa kwarto ko. Wala ako sa sarili habang naglalakad. Ang gusto ko nalang ngayon ay ang magpahinga at alisin lahat ng problema ko. Pero paano ko mabubura ang mga problemang nakadugtong na ata sa buong pagkatao ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko siyang nakasandal sa pinto ng kwarto ko. Kumunot ang noo niya nang makita ang itsura ko at tumiim bagang nang makita ang sugat ko. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ito naghihilom, siguro dahil sa gawa ito ng malakas na mahika.

"What happened?" Alalang tanong niya. Iniwas ko lang ang kamay ko nang akmang hahawakan niya ito.

Umiling ako at pagod na tumingin sa kaniya. "Ayoko munang makausap ka." Madiin kong sabi.

Umawang ang labi niya at nagtatakang tumingin sa 'kin. "M-May nagawa ba akong m-mali?" Nanginginig niyang tanong.

"Wala,"

"K-Kung wala...hayaan mo akong gamutin ang sugat mo. Hindi iyan kusang maghihilom kung hindi gagamutin." Aniya. Umurong ako nang akmang lalapit siya sa 'kin. "B-Bakit? B-Bakit ka lumalayo?" Gulat niyang tanong.

"Umalis kana. Iwan mo muna ako." Malamig kong aniya.

"K-Kirsten--" Umiwas ulit ako nang akmang hahawakan niya ako.

"Dark pwede ba! Ayoko munang makipag-usap sa'yo! Hindi mo ba naiintidihan iyon?!" Inis kong sigaw.

"What did I do?" Namumutla niyang tanong. Napahilamos siya nang mukha atsaka inis na humarap sa 'kin. "Sabihin mo naman sa 'kin kung anong ginawa ko? Kung anong kasalanan ko? Hindi 'yong ganito na itataboy mo ako."

Matapang ko siyang hinarap. "Gusto mong malaman?! Huh?! Bakit hindi mo basahin ang iniisip ko?! Bakit hindi mo alamin kung anong iniisip ko sa 'yo ngayon? Bakit kailangan mo pang itanong sa'kin kung kaya mo naman iyong alamin!" Sigaw ko.

Bumuga siya nang hangin. "I-I respect you....h-hindi ko binabasa kung ano ang nasa isip mo kailanman." Mahinang sagot niya.

Napailing ako. "Liar." Akusa ko.

"I'm not!" Aniya. "Kahit kailan di kita pinagsinungalingan!"

"Talaga?! Huh? Sige nga....ipaliwanag mo sa 'kin ang sinabi ni jiro na may kinalaman ka sa nangyayari kay kuya! Sabihin mo sa 'kin na wala kang kinalaman dark! Sabihin mo sa 'kin ngayon!" Hamon ko.

Hindi siya nakasagot. Nakita ko ang lalo niyang pamumutla. Nakagat ko ang labi ko sa inis. Napasambunot ako ng buhok at naguguluhang napatingin sa kaniya. "Naguguluhan ako dark." Mahina kong sabi. Umiling iling ako at pekeng tumawa. "Nasisiraan na ata ako ng bait. Pwede ba 'yon? Isang bampirang nasisiraan ng bait? Ay! Nakalimutan ko nga palang kalahating tao pa rin ako. Pwede ba 'yon mangyari sa 'kin. I can easily die if i wanted to."

"K-Kirsten---" Hindi ko na siya pinatapos. "--Gusto mong malaman kung anong iniisip ko sa 'yo ngayon? Huh?" Gigil kong sabi. Dinuro ko siya sa dibdib gamit ang kaliwang kamay ko. "Alam mo bang iniisip ko na may kinalaman ka sa sumpa?! Alam mo rin bang iniisip ko na ikaw ang may gawa non sa 'min?! At alam mo bang iniisip ko na baka niloloko lang ako ng taong mahal ko?"

Natameme siya sa mga sinabi ko. Sunod sunod na buntong hininga rin ang pinakawalan niya hanggang sa napagod na lang siya at nag-iwas ng tingin sa 'kin habang bagsak ang dalawang balikat. Sa pinapakita niya sa 'kin ngayon ay mas lalo niya lang pinapalakas ang hinala ko. Lalo niya lang dinudurog ang puso ko.

Nanghihinang nilagpasan ko nalang siya. At nang akmang papasok na ako sa loob ng kwarto nang mapatigil ako dahil sa pagtawag niya sa 'kin. Hinintay ko siyang magsalita at pursigidong pakinggan siya ngunit wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya bagkus ay naramdaman ko nalang na niyakap niya ako mula sa likod. Lalo lang akong nanghina sa ginawa niya. Aaminin kong na-miss ko siya ng sobra pero kung paiiralin ko ang nararamdaman ko ngayon sa mga yakap niya ay baka dumating ako sa punto na tuluyan na akong mauhaw sa mga katanungang walang kasagutan.

Dahan dahan kong kinalas ang mga kamay niyang nakapulupot sa baywang ko.

"Time out na muna dark. Hindi ako manhid para hindi masaktan. Pahinga muna ako kahit saglit, pwede?"


Goodevening!

Let's spread cool off hahahaxD. Joke lang po. Hows this chapter? Comment naman po diyan. Thanky!

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz