Naka-full blast ang aircon sa kwarto ng hotel na tinuluyan namin ni Alex ngunit hindi sapat ang lamig nito para pawiin ang init ng pagmamahal na nakayakap sa aking puso. Katatapos ko lamang ipagkatiwala ang aking buong kaluluwa't pagkatao sa aking first love at pinakamamahal na nilalang sa balat ng lupa.
"Alex, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung mawawala ka sa buhay ko...baka ikamatay ko." May mga nangingilid na luha sa aking mga mata habang yakap ko siya sa aking ibabaw. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ako lumuluha. Ito kaya ay sa sobrang pagmamahal sa kanya? Pagsisisi kaya sa mabilis kong pagsuko ng aking sarili? Pagkatakot kaya na baka mawala siya sa akin?
Inilapit niya ang kanyang mga labi sa aking kaliwang tenga at ibinulong ang mga katagang hinahanap-hanap ng mga nagmamahal na nilalang, "Mahal na mahal din kita, umasa kang mamahalin kita habang nabubuhay ako. Pangako ko 'yan." Dinig na dinig ko kada hibla ng kanyang sinabi pero nakukulangan ako sa aking nararamdaman. Pang-ilan kaya ako sa sinabihan niya nito? Ayaw ko nang isipan pa, hinigpitan ko na lang ang aking yakap. Sandali siyang nanatili sa ibabaw ko para pagbigyan ang aking paghahaplos sa kanyang likod.
Umupo na siya sa gilid. "Halika na, baka mahuli ka sa flight mo."
Umupo na rin ako pero hindi ko pa ibinababa ang aking mga paa sa sahig. Muli ko siyang niyakap sa likod, mahigpit na yakap... pinawalan ko lang siya matapos kong paghahalikan ang kanyang likod.
..................
Isang sagot sa isang tanong... ganu'n na lang kami habang nagmamaneho siya patungong NAIA nu'ng umagang iyon. Nababahala ako pero inisip kong nalulungkot lang siya sa napipintong paglalayo namin. Ayaw kong mag-isip pa ng mga bagay-bagay na gugulo lang sa isip ko.
Narito na naman ako sa airport, balik-Saudi na. Isa lamang kami rito sa mga nagmamahalang magkakalayo na naman. Kung may masasaya, mayroon ding nalulungkot. Saan kaya ako nabibilang? Marahil ay sa dalawang panig. Malungkot ako dahil muli na naman kaming magkakalayo ng aking nobyo at masaya naman dahil sa kanyang pangakong pag-iisang dibdib namin sa susunod na pagkikita.
Isang madiing halik ang dumapo sa aking pisngi.
"Diana, mahal ko..." hinila niya pabalik ang aking diwa. Uminit ang aking pakiramdam nang lumapat ang matitipuno niyang bisig sa aking katawan.
"... walong buwan na naman kitang hindi mahahagkan. Sana sa pagbabalik mo ay makasal na tayo. Mahal na mahal kita, Diana."
"Ipangako mong ako lang ang iyong mamahalin, Alex."
Nasira ang maromantikong tagpo nang sumingit si best fren, Dolor. "Ay naku, Alex, sa tindig mong 'yan, mala-Piolo Pascual na katangian, siguradong didikit ang mga tsiks na iyong madaraanan."
Napatingin kami kay best friend. Siya ang nag-iisang isinama namin ni Alex na maghatid para hindi na kami mag-iyakan pa nina Inay at ni bunso.
"Kaya nga h'wag ka ring maglalapit sa kanya baka ikaw ang mapadikit," biro ko kay Dolor habang nakangiti lang ang nobyo ko.
"H'wag kang mag-alala, hindi niya kayang ipagpalit ang beauty ni Sharon Cuneta sa gaya ko lang. Pero sa isang banda, malalaman mo pa ba kung nasa malayo ka?" Kasunod nito ang halakhak na karaniwan niyang ginagawa.
"Beh, sasabihin naman ni Alex sa akin."
Muling humalakhak si Dolor, "Kaya? Gilitin mo ang leeg ko kung may lalaking nagsabi ng tapat tungkol diyan. 'Buti pa para hindi ka maghimutok, isipin mo na lang na ang magkakaibigan should share sa isa't isa kung anong meron nila."
Tinitigan ko si Alex, "Tama ba iyong sinabi niya?"
Ngiti lang ang isinagot nito kaya sinuklian ko iyon ng kurot sa tagiliran.
YOU ARE READING
Pangako
RomanceWhen you break a promise, don't you break heart as well? Minahal mo siya, ako na ngayon. Naniniwala ako na kapag nagmahal na ng isa ang tao, wala na siyang ibang mamahalin. Pero iba ka. Naniwala ako sa 'yo. Kasi nangako ka.
