Title: First Love, Mr. Knight, True Love (One Shot)
Genre: Romance,Teen Fiction
Author: SungYella
*******
First Love
June 23,2000
Elementary ako ng nainlove ako sa isang lalaki. Maraming nagsasabi sa akin na baka puppy love, paghanga, infatuation lang daw ang tingin ko sa kanya pero alam ko sa sarili ko na inlove ako. Alam ko na mahal ko siya. Mayaman siya, matangkad, gwapo, mabait pero yun nga lang. Medyo tamad siya pero kahit ganun mahal ko pa rin siya.
Gaya ng napapanood ko sa movies, teleserye, tinanong niya ako kung pwede ba siya manligaw sa akin and I said yes. Siyempre, kahit mahal ko siya, kailangan niyang manligaw. Kailangan niyang patunayan kung seryoso ba siya sa akin. Ayokong umuwi na luhaan at miserable. At isa pa, gusto ko ding maranasan kung ano ang pakiramdam na sinusuyo ako, yung aalagaan ako.
Nang nagsimula siyang manligaw ay hindi siya nabigo. Lagi niya akong hinahatid at sinusundo sa eskwelahan. Lagi niya akong pinadadalhan ng chocolates at simpleng bulaklak. Lagi niya akong pinapatawa at pinapasaya. Siyempre, lagi niya akong inaasar pero kapag napipikon na ako, ngumingiti lang siya at sasabihing "Joke lang!" sabay yayakap sakin biglang paglalambing.Pagkatapos ng isang buwan ay tinanong mo ako kung pwede na ba maging tayo. Dahil mahal ko siya at napatunayan kong seryoso siya sakin, I said yes.
Our relationship was great and simple. Mas lalo siyang naging sweet ,masayahin at maalaga. Yung date namin nun ay ang paglalaro at kakain ng simpleng handaan sa bahay nila o sa bahay namin. Sobrang saya ko, namin pero hindi nagtagal ang kasiyahan na iyon kasi hindi ko pa naririnig ang mga salita na gusto kong marinig sa kanya. Kontento naman ako sa lahat ng pinapakita nia pero alam mo iyong hindi sapat? Sa tuwing magsasabi ako ng "Mahal kita.", ang laging sagot niya ay "Thank you." In the end, naghiwalay kami.
So, way back then he was my first love.
Mr.Wrong
August 24,2007
1st year highschool when I met him. He was my classmate and my seatmate and lastly, the totally opposite of me and opposite of my first love.
Childish ako, mature siya. Nakasimangot ako, nakangiti siya
Tahimik ako, maingay siya.
I am creative, he loves science.
Lahat ng di ko nagagawa, nagagawa niya tulad nalang ng mga gawaing bahay. Basta nasa kanya lahat ang positive at ako naman ang parang negative. Nakuha niya ang atensyon ko pero iniisip ko, hindi kami bagay but he publicly announced that he loves me on the first day we met so I called him Mr.Wrong.
Mr. Knight in yeah,um, shining eyeglass, I guess?
September 18,2009
I was in a thirdyear highschool. Palagi akong umaabsent dahil lagi akong may sakit. Those absences due to my poor health, I was given consideraton by teachers and take my exams. It was not a miracle for me to passed. I reviewed his notes that he gave for me. Hindi niya sakin binigay ng diretso pero iniwan niya iyon sa upuan ko bago ang exams.
Isang araw, meron kaming klase na biglaan ang pop quiz, sinagutan niya ang dalawang test papers. Isa sa kanya at isa sa akin. Narealized ko lang iyon nung binalik ang test papers sa akin and I saw the date. The day when I was at home. Palihim kong kinumpara ang handwriting niya sa test paper na hawak ko nun at doon ko nakumpirma na pareho ang pagkakasulat. I smiled secretlybut still, I didn't fall in love with him. He is far from being a Prince Charming lacking that kilig factor.
JE LEEST
One Shot Compilations
OverigOne Shot Compilations all written by SungYella. Please do not plagiarize this story. Please do not copy. Please do not distribute. Goals: Make 10 One Shot Stories
