Noong una kitang makilala , hindi ko alam na mayroon ka palang parte sa aking istorya .
Hindi ko alam kung tayo'y ipanagtagpo o plano tayong ipaglayo
Tayoy naging magkaibigan hanggang sa magka-gustohan
Ngunit bakit nauwi sa hiwalayan
ang ating pagmamahalan?
Bakit mo ako nilisan kung sabi mo noon ako'y iyong pinakaiingatan
Hindi ko to inaasahan , ngunit alam kong ito ang kahahantungan
Saksi ang dagat ng mga bituwin kung paano mo ko lambingin at mahigpit kung yakapin
Ang mga bisig mong malalaki pa 'yung akin.
Sabay nating tinahak ang kawalawan ngunit sabay din nating nilisan
Ang kislap ng 'yung mga mata kapag ako'y nakikita , ngayon ay wala na .
Ang ngiti mong kay tamis ay napalitan ng lungkot na di kanais-nais.
Ang mga yakap mong mainit ngayon ay naging malamig
Sin lamig ng hangin ang pakikitungo mo saakin .
Na para bang nagsasabing umalis na ako sayong piling.
Ngunit hindi ko kayang gawin , kaya pa natin tong lutasin ang ganitong klasing suliranin
Saksi ang kalawakan nung araw na ako'y iyong nilisan at sinaktan
Kung paano mo ipinamukha saakin na hindi ako kawalan.
Na hindi ako para sayo inilaan , na ako lang ay isang laruan .
Na pagkatapos gamitin ay bibitawan o ilalagay sa basurahan
Anong nangyari sa ating pagmamahalan ?
Bakit naguho ang mga pangakong sabay nating iningatan.
Sabay nating binuo at sabay nating plinano.
Bawat patak ng ulan sa aking katawan ay sakit na aking unti-unting nararamdaman.
Mga masasakit na salitang sinabi mo ay hindi ko malimutan
Tumatak ito sa aking isipan at tumatagos saking pusong nasusugatan.
Hindi kayang tanggapin ng aking sistema na bumibitaw ka na pala
Akala ko magtatagal tayong dal'wa
Akala ko ikaw na , ngunit akoy nagkamali lamang pala
Akoy naging isang tanga , wala akong kadala-dala
Tumatama ang sikat ng araw
sa kaluluwa kong naliligaw
Hindi alam kung saan patungo at kung saan hihinto
Hindi na mahanap ang sarili,
Hindi na maibabalik sa dati
Kailangan kong tanggapin na hindi ka pala talaga para sa akin
Minahal mo 'ko alam ko pero hanggang dito nalang siguro tayo.
Tanggap ko na ng buong-buo , kaya't magpapaalam na 'ko .
Sayo MAHAL KO .
