Prologue

2 1 0
                                        

2005

LAST 1 MINUTE, tie ang score ng St. Anne, ang school ni Heart at ng kalabang school. Championship. Usually, wala siyang pakialam kung mag-champion sila o hindi, though lagi naman silang champion simula nung grade 5 siya. Pero iba ngayon, si Charles ang captain ng basketball team at gusto niyang manalo ito dahil iyon ang pangarap nito na laging ikinikwento sa kanya.

Napaawang ang bibig niya ng makitang na kay Charles na ang bola! Pero malayo pa ito sa ring. At masyadong madaming gumigitgit dito. Ipinasa muli nito ang bola kay Orly. Malaki ang nailapit ni Orly sa ring pero marami rin ang nakahabol dito, itinaas nito ang kamay, inihagis ang bola sa kabilang side. Shit! Masyadong mataas yun! 'Pag na-off court! Napapikit na lamang si Heart. Ang sunod niyang narinig ay ang tilian ng mga tao at ang buzzer. Tapos na ang laro. Nagmulat siya. Three points ang lamang nila sa kalaban. Binuhat ng mga ka-team nito si Charles at dinudumog na ang mga ito ng tao.

"Heart? Ano na?" Tanong sa kanya ni Aria.

"Ayy, sorry. 1, 2, 3," ang pagbilang nya ay may kasamang hand movements tanda na mag-i-start na ang cheer nila. She is the head cheerleader. Mas magaslaw ang kilos at mas malakas ang bawat cheer niya. Masayang-masaya siya para kay Charles.

Nang matapos ang cheer nila ay isa-isa na silang tumakbo patungo sa basketball team nila. Papalapit pa lang siya kay Charles pero napansin niya agad na lumabas ito sa kumpol ng crowd para salubungin siya. Ngiting-ngiti ito.

Nagulat siya ng agawin nito ang mic kay Ryan, kaklase nila at tumatayong side court announcer ng game, na hindi kalayuan sa kanyang tabi. "I dedicate this game to you, Heart Villanueva. Will you give me the honor to be your prom date?" Habang ina-announce nito iyon sa mic ay may banner na bumagsak mula sa taas na may nakalagay na Charles x Heart na ang border ay collage ng pictures nila.

Sa likod niya ay may nag-serenade sa kanila ng Can't Help Falling In Love. Tapos ay nag cheer ng chant Charles is for Heart, Heart is for Charles. It's her cheer dance team. Napayuko si Heart at inilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. Ngumiti siya ng tipid kay Charles. "O-oo naman. Payag ako." Sagot niya dito. Init na init ang mukha.

"Yes!" Nagtatalon ito at pagkatapos ay niyakap sya at binuhat. Inikut-ikot siya nito. Ang sunod na narinig ni Heart ay ang sigawan at kantiyawan ng mga kaeskwela.

"THIS IS FOR you." Isang malaking paper bag ang iniabot sa kanya ni Charles.

Nakaupo sila sa likod ng Hilux nito. Tinignan iyon ni Heart. Hindi niya napigilang mapabuntong-hininga. Iyon ang magiging gown niya sa prom. May kasama rin iyong sapatos at iba pang aksesorya.

"Hey, 'di mo pa nakikita, hindi mo na gusto? Nagpatulong pa naman ako kay Mommy nang pinili 'yan." Naka-pout habang naka-sad face na saad ni Charles, nagpapa-cute ito.

Napalabi siya. "Eh, kasi... kung iba ang kapartner mo, hindi mo na ito kailangang gawin... nadamay pa si Tita Amy. Hindi ko kasi kayang bumili ng ganito e." Hindi niya napigilang sabihin ang nilalaman ng isip.

"Hindi naman ako magiging masaya kung hindi ikaw ang kapareha ko. Hindi ka dapat pupunta sa party. Pero dahil niyaya kita at pinilit at kinorner pa sa crowd, napa-oo ka." Kinuha nito ang isang kamay niya at hinuli ang kanyang tingin. "That's why, I'm taking full responsibility. Wala kang aalalahanin sa gabing yun kundi ang kamay mo." Napakunot-noo si Heart. Kamay daw nya? "Dahil dapat hindi nito bitiwan ang kamay ko." Pagkatapos no'n ay hinagkan ni Charles ang likod ng palad ng kamay niyang hawak nito.

"Charles..." once again he took her breath away. "I-i don't know what to say..."

"You could look at it, say thank you and I'm really awesome for knowing your taste..." itinaas baba pa nito ang dalawang kilay na tila nagpapa-cute.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His HeartWhere stories live. Discover now