Axjen

284 11 3
                                        

Wala pa si baby Pixel dito. Mababasa rin to sa isa kong story. Living with my step brother: Chapter 50. Yung cameo ng axjen doon. Ang cute lang non. Haha-s

Special Chapter

Raejen's POV

Naiwan akong magisa sa bahay kasi si Axis sumama kila Kael sa isang bar. Pinayagan ko na siya kasi pinapayagan niya akong mag bar kasama sila Sharm. Para hindi unfair. Tsaka may tiwala naman ako sa kanya.

Kakatapos lang ng Christmas kagabi kaya di pa raw tapos ang party ngayon. Kagabi, nagcelebrate naman kami ng maayos. Dinner kasama sila mommy at iba ko pang relatives at relatives ni Axis.

Nandito lang ako sa sala at nanunuod ng.. hindi ko alam. Basta isang classic na movie na di ko naman alam ang title. Nasa kandungan ko si coco. Kumakain din ako ng chichirya.

Ano kayang ginagawa ni Axis doon? Baka may kasayaw na siyang babae? Baka umuwi yon na lasing? O umuwi kasama ang ibang babae?

Lumalakas ang radar ko. Na-paranoid ako bigla. Ano ba naman yan, Raejen! sabi mo may tiwala ka tapos nagiisip ka ng ganyan!

Huminga na lang ako ng malalim. Mabait si Axis ok. Loyal. Proven na. Hindi ka ipagpapalit. Kaya chill.

Pero!!! parang di ako matahimik. Syempre maraming babae doon. Magaganda. Wild. Higad. Bitches. Whores.

Pero ano kaya kung sundan ko siya ngayon? Tignan ko kung ano ang ginagawa niya. Di ko pa kasi siya nakitang nag bar. Saglit lang ako. Titignan ko lang kung may humihigad sa kanya.

Nagbihis ako ng damit. Dress na maikli. Labas ang likod. Inayos ko rin ang buhok kong mahaba na kulot sa tips. Yes mahaba na ulit ang buhok ko. Pero balak ko ulit magpagupit.

Flats ang sinuot ko kasi di naman ako sanay magsuot ng heels. Ang sakit kaya sa paa. Dyahe.

Nung maayos na ako, lumabas na ako.

Nagpara ako ng taxi. Nyeta! Oo taxi! Tinangay ni Axis yung kotse eh. Tsaka kung may kotse man ako, di ko gagamitin. Natatakot ako sa kalsada.

Sinabi ko sa driver ng taxi kung saan yung bar na pinuntahan nila Axis. Pamilyar naman sa akin yon.

Tapos bingay ko ang ticket bago ako pumasok. Puro sosyal ang mga pumupunta rito. Hindi pipitsugin na bar. Kaya nag ayos ako para di ako mukhang nawawala.

Nag flip hair ako at pumasok na. Maingay sa loob at makulay ang neon lights. Medyo mausok din. Medyo madilim din.

Linga ako ng linga sa paligid. Nasaan kaya si Axis?? Nakita ko si Kenneth sa dance floor kaya natunton agad ng mata ko kung nasaan si Axis.

Baka nandito si Sharm? Oo si Sharm yata yung kasayaw ni Kenneth!

Tumingin ulit ako kay Axis. Nakaupo lang siya sa sofa! Good boy. Pero umiinom siya. Umupo lang din ako sa isang upuan para bantayan siya. Nag order din ako ng drinks. Yung di nakakalasing.

Ngumingiti lang si Axis sa mga kaibigan niya na may kasayaw. He's so hot. My husband is so hot. Ang hot niya pala kapag nasa bar.

Iniisip ko tuloy ngayon na di ko siya kilala. Naakit na ako sa kanya. Damn itt! Parang ang swerte swerte ko tuloy kasi sobrang gwapo ng asawa ko.

Mag isa lang siyang nakaupo sa sofa. Nilagok ko naman na yung binigay sa akin na drinks. Patay ako neto kapag nalaman niya na sinundan ko siya. Aalis din ako agad. Konting minutes pa.

Gusto ko na ring lapitan si Sharm kaso pinipigilan ko ang sarili ko. Baka makita ako ni Axis.

May mga magkakaibigan na nag-aasaran malapit sa table ni Axis. Ingay nila.

Axjen Special ChapterWhere stories live. Discover now