Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

CHOICES

18 7 8
                                        




Bumitaw ako hindi dahil ayoko na, hindi dahil di ko na kaya. Binitawan kita dahil alam kong sa ganung paraan ka sasaya, dahil alam kong dun ka makakalaya. Makakalaya sa pagmamahal ko na wala namang kasiguraduhan, kasiguraduhan na magkikita at magkakasama tayo.

Alam kong nasaktan kita dahil sa ginawa kong yon, pero sana mapatawad mo ako sa tamang panahon. Patawad dahil di ko na tupad lahat ng pinangako ko sayo, patawad dahil di ako kumapit sayo ng mahigpit, patawad dahil yun lang ang naisip kong paraan para sumaya ka at patawad dahil hanggang ngayon mahal parin kita.

Baliw na kung baliw, tanga na kung tanga pero hanggang ngayon umaasa parin ako, umaasa na babalik ka pa sakin, umaasa ako na sasabihin mong mahal mo parin ako, umaasa parin ako na sana ako parin ang laman ng puso mo, umaasa ako na SANA ako parin ang nag papasaya sayo.

Yung mga ngiti na nakikita ko sa mga litrato mong pinopost sa iyong facebook ay kaparehas ng mga ngiti mo nung meron pang IKAW AT AKO, ngunit yung mga ngiting nakikita ko sa mga litrato mo ngayon ay epekto ng isang IKAW AT SYA. Ikaw at sya na alam kong masaya sa piling ng isa't isa. IKAW na nakahanap ng bagong mamahalin at SYA na nahanap ka at binoo kang muli. IKAW na muling nagmamahal at SYA na muling mangangako na di ka nya iiwan. Isa lang naman ang gusto kong sabihin SAYO at SAKANYA sana maging masaya kayo sa piling ng isa't isa. 

MARAMING SALAMAT BABY.

choicesStories to obsess over. Discover now