Mahal, sa oras na 'to pakinggan mo,
lahat ng salitang bibitawan ko.
Paniwalaan mo at panghawakan mo,
na ang salitang "Mahal Kita", aabot hanggang sa dulo.
Sa dulo o harap ng altar, naghihintay ako,
Sa 'yo, na papasok sa loob nito.
Mahirap mang magsalita ng tapos, pero ako'y mangangako.
Pangakong gagawin ko, at hindi mapapako.
Alam kong hindi magiging madali at mahirap,
madaming problema at pagsubok na ating mahaharap.
Ngunit lahat ng ito'y sana ay ating matanggap,
ito may napakasakit at hindi katanggap-tanggap.
Magkulang man tayo sa isa't-isa,
magkamali man tayong dalawa.
Magkatampuhan man tayo sa isa't-isa,
umiyak man tayong dalawa.
Asahan mong hindi ko gagawing iwan ka,
at umaasa akong ganon ka rin sana.
Na kahit anong mangyare sa ating dalawa,
mananaig pa rin ang pagmamahalan naten sa isa't-isa.
Marami na rin tayong napagdaanang problema,
nariyan ang lungkot, sakit, pangungulila at kaba.
Ngunit nakaabang naman ang tuwa't saya,
gawin nating maging mas matatag pa.
Ang pundasyong nating dalawa,
alam kong ito ay maliit pa.
Tulungan mo akong ito'y mapalago pa,
ating palakihin, at patatagin ng 'di na mawala.
Mahal, magtiwala kang sa 'yo lamang ako,
handa akong hamakin ang lahat para lamang sa 'yo.
Hinding hindi na ako maghahanap pa,
kaya sa akin ay manatili ka.
Pangakong, ipinapangako kong hindi mapapako,
pangakong, hanggang magpakailanman tayo.
