Napa-ngiti ako habang nakikita ko kung gaano kasaya ang mga estudyante ngayon na makita siya. Alam ko ngayon, tuwang tuwa rin siya.

Sa totoo lang, ang hirap isipin na ang Lewis na nasa stage ngayon ay isang malapit kong kaibigan at kapitbahay.

Naalala ko pa nung unang beses ko siyang nakilala. Umiiyak ako nun dahil sa isang lalaki. Akala ko kasi may gusto ang lalaking ‘yun sa akin, assumera lang pala ako. Ang nakakainis pa, naging tulay pa ako sa kanila ng babaeng gusto niya. Nasa park ako nun at nakatingin sa langit. Umaasa na baka mabago ng mga bituin ang kapalaran ng love life ko. Dumating si Lewis mula sa likod ko dala-dala ang libro kong nahulog sa hallway ng condo unit na tinutuluyan namin. Bigla niyang inilahad ang kamay niya at nagpa-kilala sa akin. Doon ko lang nalaman na sila pala ‘yung bagong lipat sa katapat naming unit.

Nung mga panahon na ‘yun, wala akong idea na sikat pala itong si Lewis. Yung kaklase ko pa ang nag sabi sa akin nang makita niya ito nung pumunta sila sa amin para gawin ang group project namin. Isang singer pala itong si Lewis at sikat na sikat sa internet. Nag simula siya sa pag p-post  ng mga song covers niya sa YouTube at Soundcloud hanggang sa ayun, dumami na ng dumami ang nakikinig sa musika niya. Naging maingay ang pangalan niya sa internet kaya inimbitahan na rin siya sa iba’t ibang mga programs.

Swerte na rin ako dahil kapit-bahay ko itong si Lewis. Madalas akong makarinig ng free concert sa kanya. Palagi kasi siyang tambay sa may veranda ng condominium na tinutuluyan namin. Ako naman, madalas na nakikinig sa kanya. Ang ganda ng boses ng lalaking ito. ‘Yung tipong pag kumanta siya, gugustuhin mo na lang pumikit at mag concentrate sa pag awit niyang punong-puno ng emosyon.

“Hello, good evening!” masayang bati ni Lewis sa mga estudyanteng nanunuod sa kanya. Tanging ayan pa lang ang sinasabi niya, halos mabaliw na ang mga tao.

“Ako nga po pala si Lewis Alcantara. Gusto ko pong magpasalamat sa pag imbita niyo sa akin dito. Ayun, sana mag-enjoy kayo sa kakantahin ko.”

Sinimulan nang patugtugin ni Lewis ang gitara. Lahat ng tao natahimik at nakikinig sa kanya.

 

♪ “Minamasdan kita nang hindi mo alam. Pinapangarap kong ikaw ay akin.

Mapupulang labi, at matingkad mong ngiti, inaabot hanggang sa langit…” ♪

 

Napangiti ako bigla. Nakakainis naman ang boses nang isang ‘to. Lakas makapagpa-kilig eh. Kahit ano’ng kantahin niya, mapa pang in-love man o pang broken, damang-dama mo. Para bang kada kakanta siya, ibinubuhos niya lahat ng emosyon na meron siya. Idagdag mo pa na ang gwapo niya kaya naman ang mga kababaihan, halos maihi na sa sobrang kilig nang dahil sa kanya.

♪ “Wag ka lang titingin sa ‘kin at baka matunaw ang puso kong sabik…” ♪

 

Lumipat ako nang pwesto at nag tungo ako sa may ibaba ng stage sa gitna para mas makuhanan ko siya nang video. Buti na lang at dakilang alalay niya ako ngayon kaya libreng libre akong pumwesto kahit saan ko gusto.

♪ “Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling. At sa tuwing ikaw ay daraan ang mundo ko’y tumitigil. Ang pangalan mo, ang sinisigaw ng puso…” ♪

HilingWhere stories live. Discover now