Kabanata 4

12.3K 66 1
                                    

Kabanata 4

Hindi naman nakakapagod ang unang araw bilang kasambahay sa Pamilya De Una, dahil hindi pa gaano mabibigat ang gawain kaya kahit paano na eenjoy ko pa. Wala rin akong masabing sa kabaitan ni Ate Liezel pero ang kinakatakutan ko ay si Kuya Ian dahil doon sa hindi kong sinasadya paninilip sa kanila ni Ate Liezel at hindi rin sinasadya nahuli ako ni Kuya Ian sa paninilip ko. 

Hindi ko naman talaga sinasadya dahil hinanap ko lang ang ungol kung saan nang galing at dinala ako sa kwarto nila.

Kinuha ko ang sabon at shampoo na binigay ni Ate Liezel sa akin para maka-ligo at pagkatapos nung makapagpahinga na dahil gigising naman ako ng maaga dahil monday papasok sila tatlo. 

Pakiramdam ko napa-gaan ng lahat dahil sa buhos ang malamig na tubig ng shower na tumatama sa katawan ko. Maalingsangan na rin kasi dahil mag-babaksyon na ibig sabihin tag-init na. Nang may tumawag sa akin sa labas dali-dali inalis ko ang sabon sa katawan ko at kinuha ang tuwalya nag-tapis para ipanakip ko sa basa kong katawan.

Lumabas ako sa banyo at hinanap ang tumatawag sa akin. Bumungad sa akin Kuya Ian na naghahanap ng makakain sa loob ng refrigerator.

"Naku pasensya kana Ale kong naistorbo kita, hinahanap ko kasi yung tinira ulam ni Ate Liezel mo para sa akin" sabi ni Kuya Ian habang hinahanap

"Okey lang po Kuya, Ah Kuya dito po nilagay ni Ate Liezel ang tinirang ulam ninyo" ani ko, kinuha ko naman sa kabinet kung saan itinago ni Ate Liezel ang ulam ni Kuya Ian. Sa sobrang taas ng kabinet bigla na tanggal ang pagkakatapis ng tuwalya sa katawan kaya hinabol ko ito para hindi lumitaw ang hubad na katawan ko kay Kuya Ian. Nang bigla akong na out balance kaya napa-tumba ako sa sanig

Hindi ko naramdaman ang malamig na sahig kundi isang mainit na palad ang naka-alalay sa likod ko para hindi ako matumba sa sahig.  Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko parang bawat segundo ang tibok.

"Okey kalang ba?" tanung ni Kuya Ian sa akin 

Tumango lang ako sa kanya na ibig sabihin ay Okey lang ako. napa-tingin ako sa mata niya na parang nakakatunaw, nang nabali ang tingin namin humagod naman ang tingin niya sa buong katawan ko, napansin ko nakalitaw ng isang dibdib ko kaya napa-balikwas ako ng tayo.

"Pasensya po Kuya Ian tuloy na po ako sa kwarto ko" sabay alis ko sa harapan niya. 

Kabado pa rin ako sa pangyayari  hindi ko alam kong ano ang gagawin ko at parang nahihiya ako sa sarili ko lalo na sa among kong lalaki at baka mapalayas ako ng wala sa oras nito anu nalang ulit sasabihin sa akin ni Chang Caring ito babalik naman ako sa kanya at magpapabigat. 

Huminga ako sa kama para makapag-isip ng mabuti dahil simula noong lumayas ako sa probinsya namin para maiwasan ang chismis at baka dito naman mangyari at awayin ako ni Ate Liezel dahil sa pang-aakit sa asawa niya na hindi ko naman ginagawa.

Napaisip tuloy ako at naalala ang mga nangyari noon

Probinsya

"Anak dalaga kana ang laki-laki muna, Kaya papayuhan kita kung magmamahal ka ng lalaki pumili ka ng nararapat at yung walang sabit" ani ni nanang habang sinusuklay niya ang buhok

"Si Nanang naman pag-aasawa agad ang nasa isipin magtatapos muna po ako" pagmamaktol ko.

"Natatakot lang kasi si Nanang anak na magaya ka sa akin" sabay simangot nito.

"Hindi po ako magagaya sa inyo Nanang" pagmamalaki ko pa sa kanya.

Totoo na anak ako sa maling pagiibigan nila ng Nanang at Tatang kaso hindi sila pinagtagpo ni Tatang dahil isang hacienderong instik si Tatang at naka-areglo na ang mapapangasawa ni Tatang sa isang pinsan itong babaeng na instik na may-ari din ng 12 hektaryang taniman ng pinya. Habang si Nanang naman ay isang hamak lang na labandera nila Tatang at ako ang bunga ng kanilang pagmamahal.

AlessiaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ