Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

Chapter 1-Escape

27 3 0
                                        

"Halika ka,dito ang daan."Sabi ng lalaking napakagwapo ng mukha at pula ang buhok.

Saan ba kami pupunta?kakaiba ang lugar parang hindi ito ang lugar namin.May matataas na mga bahay at may mga ilaw.May mga sasakyan na may kakaibang nilalang sa loob at nakapagtataka bakit wala silang pakpak?

Napatingin ako sa paligid at ang mga tao ay tumitingin sakin.Siguro dahil naiiba ako sa kanila.May pakpak ako sila wala.Nakakatawa lang na lagi lang silang nakatapak sa lupa.Di nila nararanasan ang lumipad.

"Splaaak!!"

nagising ako bigla nang dahil sa malamig na tubig na sinaboy sa akin ng isang matandang babae.Kulubot ang kanyang mukha at may mga kulugo.Abot tenga ang kanyang ngiti pero di ito kaayayang tignan.

Lagi kong napapanaginipan ang lalaking iyon.Lagi daw kaming magkasama at namamasyal kami sa magagandang lugar.Lagi kaming nakaupo sa ilalim ng puno.

"Nyihihi ayan ija maligo ka muna kailangan malinis ka kasi ikaw ang magiging main dish namin mamaya!Talagang hulog ka ng langit!"
Sabi niya habang nilalapag ang batya sa mesa.

Hmm...mas mauunawaan ko sana ang pinagsasabi niya kung alam ko ang main dish.

Tumingin ako sa paligid

Saan na kaya ako...

Gawa sa kahoy at dahon ang bahay na kinalalagyan ko at nakatali ang aking mga kamay sa poste.Kakaiba ang sahig ng bahay.Gawa siguro ito sa isang di pangkaraniwang materyales.

"Ano po ang gagawin niyo sakin?Bakit po ako nakatali?"Mahinahon kong tanong sa matanda.Umupo siya sa gilid ng satra (apoy).

"Kakainin ka namin ija.Hehehe hindi mo ba alam ija?Pag kinain ng tao ang angel nagiging imortal sila."sabi niya habang nakatalikod sakin.Sinimulan niyang paypayan ang Satra kaya mas nagliliyab ito.

Ummm Ano ba ang 'kinakain'?

Medyo may pagkakaiba sa linggwahe nila at linggwahe namin.Bakit ba kasi napunta pa ako dito?

Hay konti lang nabasa ko tungkol sa mundong ito...ba't ba kasi yung Draconia ang lagi kong binabasa?

"Sabu!!!!Halika dito sa loob!"Sigaw ng matanda.

"Opo tandang Harda!"Sambit ng lalaking tinawag niya.Pumunta ang lalaki sa loob.

Kakaiba rin ang suot ng lalaki natatakpan lang ang beywang niya hanggang tuhod ng isang tela.Wala siyang suot pantaas napakabastos naman niya!

Pumikit nalang ako para di na madagdagan ang kasalanan ko.

"Tanda bakit napapikit yan nung nakita ako?Pangit na ba talaga ako?"Tanong niya na may malungkot na mukha.

Binuksan ko agad ang mga mata ko at tumingin sa kanila.

"Tumahimik ka jan!kunin mo yung gamit ko sa pagmamahika dahil gagamit ako ng salamangka para alisin lahat ng balahibo niya."Nayayamot na sabi ng Matanda.

"O-opo"Naglakad ang lalaki palabas habang tumitingin sakin.Tumingin din ako sa kanya.

"Ganda nun ah..."mahina niyang sabi at nakalabas na siya.

SeraficaStories to obsess over. Discover now