1. BANGI-ERS

1.1K 8 1
                                    

Simulan na natin ang pagdidiskubre ng iba't ibang uri ng istudyante. Ang mga madidiskubre namin ay galing mismo sa sarili naming iskwelahan. Itago na lang natin ito sa pangalang B.O University. Kung saan kumpleto ang mga uri ng istudyanteng mababanggit namin at ni Bob Ong.

Naglakadlakad kaming magbabarkada sa campus nang may madiskubre kami. Tawagin na lang natin silang mga BANGI-ERS

Bangi-ers- Sila ang mga istudyanteng kung tawagin namin ay yuyid o bangi. Istudyanteng madalas nakatunganga. Madalas malalim ang iniisip. Sila ang mga taong madalas may random thoughts.

Masayang masaya pa sila kapag pinalabas ng teacher sa klase dahil sa labas naman sila magdedaydream.

Madalas mo silang makikita habang naglelesson ang teacher. Tapos kapag tinawag n teacher ay hindi ito lilingon hanggat hindi nasisigawan at kadalasan naisasagot lang sa teacher ay "ha?" O kaya naman "Ma'am please repeat the question" pero ang sagot nya lang naman ay "I dont know the answer, Ma'am."

Nakatingin sa malayo. Halos hindi na kumurap. Nakatunganga lang. Minsan di mo na maipinta ang itsura ng mukha. Nakanganga na kulang na lang ay tumulo ang laway.

Kahit kausapin mo sila ng kausapin ay nakatunganga lang ito sa ibang dereksyon . Kailangan mo pa iwagayway sa harap nya ang kamay mo para mapansin ka nya.

Ex.

P.O.V ng isang Bangi-er na si Ellah (A.K.A lang.).

Nandito kami ngayon sa klase. Naglelesson ang science teacher namin. Hindi ko talaga kayang makinig sa teacher na to. Lumingon na lang ako sa bintana.

Ang ganda pala ng sky. Ang ganda ng clouds. Ang ganda ng birds. Ang cool ng hangin. Ang raming mga ibon.

Ano kaya ang dahilan kung bakit nasisira ang kalikasan?

Ano kaya ang itsura ng mundo noon?

Paano kaya mapapaliit yung butas sa Ozone Layer?

Pinoproblema rin kaya ito ng mga magulang ko?

Ano kayang problema ng magulang ko sa bahay?

Maaabot na kaya natin ang Ozone door?

Pano kaya kung glass ang Ozone?

Si Ma'am kaya may problema rin?

Ano kayang gagawin ko bukas?

Colgate ba ang gagamitin ko o pepsodent?

Ano kayang isusuot ko?

Anong oras kaya ako bukas magigisig?

Malelate kaya ako?

Kumusta na kaya ang alaga kong aso?

P.O.V ng kaibigan ni Ellah na si Jake.

Tingnan mo tong babaeng toh. Natulala nanaman. Tsk. May topak na ata to. Kanina pa sya tinatawag ni Ma'am, di naman nya linilingon.

"Ms. Ellah!!!, buhay ka pa ba?" Teacher.

"Ellah!!!" Teacher.

"ELLAH!!!" Teacher.

"Mr. Jake, please call the attention of Ms. Ellah." Teacher.

"Callig the attention of este Ellah!, gisin na." Ako. Hindi parin gumigising. Binatukan ko nga ng malakas.

"Aray!, ba't ka ba nambabatok?!!" Ellah.

"Eh kanina ka pa tinatawag ni Ma'am. Nakatunganga ka nanaman." Ako. Lumingon na sya sa wakas kay Ma'am.

"Bakit po, Ma'am?" Ellah.

"Get out!" Teacher. Ayan napalabas tuloy. Pero masayang masaya pa yan. Tsk.

Lugar kung saan madalas matagpuan:

Classroom, library, canteen.
_____
HYLI

Mga Uri Ng High School Students Na Hindi Nabanggit Ni Bob OngWhere stories live. Discover now