Broken Strings

25.5K 276 59
                                    

 "...I promise to love her forever."

"....I promise to take care of her."

"...I promise to be the best father of our children."

"....I promise to be always here for you whenever you need me."

"....I promise to be the man that will fight for you and our love."

K's POV 


Promises. Wow. Medyo marami ka din pinangako for me... I can't even forget about you that easy. 

It's been 2 years now yet I still think about you. I know this is not right. I know what we had was special, but I guess I had to let you go for a reason. You're not really the one for me, Vice. 

---------------------------


Bumalik lahat ng alaala kay Karylle habang nakatingin ito sa labas ng bahay nila sa Amerika. Ilang gabi rin siyang hindi nakatulog pagkatapos ng nangyari sa Brazil at buti nalang ay nagkaroon agad siya ng contact kay Yael kaya mas mabilis silang naka-settle ulit doon sa Amerika. 

Yael welcomed K and the kids with open arms. Hindi niya naman kasi kaagad makakalimutan si Karylle pagkatapos ng kanilang mahabang pagsasama noon, at hindi pa rin siya nakahanap ng iba pagkatapos nilang maghiwalay at kahit kinasal na nga ang babaeng pinakamamahal niya.

At first, Karylle had a hard time explaining sa mga anak nila kung ano ang nangyayari. Pinili niyang mag sinungaling at sabihin na kailangan muna nilang lumayo ng Pilipinas dahil sa mga issue na binabato sa kanilang dalawa ni Vice. Ipinagtataka naman ng mga bata kung bakit iba naman ang sumalubong sa kanila sa Amerika, at hindi ang Daddy nila. 

Every single day, ay may media parin na pilit hinihingan ng pahayag si Karylle tungkol sa nangyari pero pinili nito na manahimik lamang. She chose to live in the US para makalayo na sa mga chismis na ibabato sa kanya. Wala na rin siyang balita sa mga kaibigan at kasama sa industriya. Pati pamilya niya, ay hindi na rin niya pinansin. 

She just wants to forget and leave the pain sa Pinas.

Lumipas ang ilang mga araw, at naging close narin sina Kiara at Miggy sa kanilang Tito Yael. Spoiled na kasi ang dalawa sa kanya dahil lahat ng gusto nila ay binibigay nito. May sarili na siyang business ngayon, kaya mas madali na ang buhay niya ngayon kesa sa dati noong nagbabanda pa lamang siya.

"I'm hooooome!!!" 

Narinig naman ni Karylle ang boses ni Yael pero hinayaan niya lamang ito.

"Tito!! Tito, what did you get for me today?" tanong ni Miggy habang kayakap si Yael.

"Well I got you a new game for your Playstation! Let's play later after dinner okay?" sagot nito.

"Alright! Kiaraaaa!!!!" sigaw nito paakyat sa kwarto ng kapatid niya.

ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)Where stories live. Discover now