chapter3

1.9K 91 2
                                    

Falling for my ex SuiTOR.
Chapter3

#lasing.

#Anya

Ang saya ko ng maimbitihan ako sa binyag ng twins nina Eureka at Phaton.

Ang mas nakakatuwa ginawa pa nila akong ninang.

Ang bait talaga nila kahit may mga nagawa akong mga pagkakamali sa kanila.

Still ginawa pa rin nila akong ninang.

Kahit medyo nalulungkot ako sa kinalabasan ng Mission Zain ko.

Hindi na lang ako masyadong nagpaapekto.

Ilang araw ko na siyang hindi ginulo.
Wala din namang patutunguhan kong kukulitin ko siya.
Kapag ayaw maraming dahilan kapag gusto maraming paraan,isa yon sa mga kasabihan na pwedeng iapply kay Zain.
Kasi kahit anong sabihin ko,ayaw niya talaga. So better,hindi ko na lang siya kukulitin,maybe itry kong makipag-usap kay Phaton,baka may maitulong siya sa akin.

Naghahanda na ako para sa event na pupuntahan ko.

Masyado na akong stress kaya kailangan kong maging maganda.
Ayaw kung mahalata nina Eureka at Phaton na may dinadala akong problema.
Na sana hindi na lumaki kung tinulungan lang ako ni Zain.

Naalala ko na naman si Zain.
He was so sweet back then.
Dapat talaga siya na ang sasagutin ko dati,kasi naman ee. Hindi ko man lang siya tinanong about don sa fixed marriage niya.
Nakarma ata ako dahil sa ginawa ko sa kanya,alam kong asang-asa na si Zain na sasagutin ko na siya. Kaso waley.
Pinaasa ko lang siya,pinag-effort kaso binasted ko pa rin siya.
Napakaselfish ko din yata. Alam ko nasaktan ko siya,lalo nat hindi lang isang beses na binasted ko siya. Hanggang sa sinagot ko na lang si Phaton para tigilan na niya ako.
Hindi ko siya sinagot noon,dahil yon sa nalaman ko na ipapakasal na pala siya sa iba pagkatapos niyang magcollege.Ayaw kong maging sagabal pa sa mga plano ng mga magulang ni Zain para sa kanya.

Ano kaya kung si Zain ang sinagot ko noon.
Kami pa rin kaya hanggang ngayon?
Siguro may mga anak na din kami.

Erase..Ayaw ko ng isipin si Zain.
Mas lalo lang akong naguguilty,lalo pat di niya alam na yon ang dahilan ng paglayo ko sa kanya.
....

Sa reception.

Ang daming mga bisita nina Eureka at Phaton.
Sa sobrang dami halos hindi na nila mabati lahat.

Nakaupo lang ako sa isang tabi.
Wala ako sa mood para makipagmingle.

Umiinom lang ako ng red wine ng namataan ko si Zain.

Panay sulyap niya Kay Eureka.

May gusto ba si Zain kay Eureka?

Base sa mga tingin niya.

Parang meron nga.

Mataman lang akong nakatingin kay Zain at nagbabantay sa bawat kilos niya.

Feeling ko gusto niyang lumapit kay Eureka kaso bantay sarado ito ni Phaton.

Nakita kung iniwan sandali ni Phaton si Eureka .

Nang mag-isa na lang si Eureka, nagmamadali namang lumapit si Zain.
Hindi ko na kaya na manood lang.
kailangan ko ng maka-usap si Zain.

Susubukan ko ulit na kumbinsihin siya,wala namang mawawala.

Tumungga muna ako ng ilang shots,bago tumayo para lumapit kay Zain.

Kinabahan man pero wala na talagang ibang pagkakataon.

Off limits na ako sa Company niya.
Kaya dito na lang.
Lalakasan ko na ang loob ko.

Falling For My Ex SuiTOR.(COMPLETED) 2nd StoryWhere stories live. Discover now