CHAPTER 1

16.8K 215 19
                                    

Pic on the side is Evan Colinares --->

Hope you guys enjoy this story

-----------------------------

EVAN:

Nakita kong pinagmamasdan ni Liam yung pathway papunta sa likuran ng simbahan. Kasal ngayon ng ate ni Gerald kaya naimbitahan din ako dumalo sa kasal ni Ate Sandy. Laking gulat ko nang after how many years makikita ko si Derick na bigla lang sumulpot sa seremonya na para bang tututol pa siya sa kasal. Huh? May lihim ba to na pagnanasa kay Ate Sandy? O di kaya kay Kuya Miguel na husband to be ni ate? Ang gulo lang.

 

Nagulat nalang ako tinatawag niya si Gerald. Napahinga ako ng malalim dun ah, kala ko na kung ano pero pernes bilib naman din ako sa dalawang to, di matinag tinag ang pagmamahalan nila. Oo alam ko kung bakit ginawa yun ni Gerald, ako lang naman kasi ang natira sa pinas na kasama siya nang nagsipagalisan ang mga loko papuntang states. Syempre nahurt ako kasi iniwan din kami ni Liam para sundan si Derick but hey kapag tadhana nga naman ang magbiro, maakakabuhay talaga ng patay.

 

And here we are kitang kita ko si Liam ng lumabas na rin ako ng simbahan para sundan sina Gerald at Derick after makipagusap kay ate Sandy.

 

Nakita kong dinala ni Gerald si Derick sa likuran ng simbahan pero may isang tao akong napansin bigla at di natanggal ang mga mata ko sa katititig sa kanya.

 

Si Liam nakatayo lang sa may bandang courtyard ng simbahan, tinitingnan ang pathway kung saan pumunta sina Gerald, alam kong di na namin makikita yung dalawa kasi may matataas na puno at napapalibutan ng mga halaman at bulaklak yung lugar kaya tila ba nakamasid lang siya sa lugar na yun na may halong lungkot sa muka at pagkapanatag, siguro kasi he knows Derick is happy.

 

Kahit kelan talaga di nawala ang crush ko sa amboy na to hays. Naglakas loob na akong lumapit sa kanya. After so many years ang pogi pa rin talaga ni Liam pero nasasaktan ako sa the way ng pagtitig niya sa pathway. Maya maya nakita kong lumuha to at walang imik lang.

 

Napabuntong hininga ako, mahirap nga naman talaga na kalimutan ang mahal mo, tingnan niyo ko eto isa pa rin ang tinitibok ng puso ko and ang masaklap dun di niya ako mahal.

 

Nilapitan ko na siya at naglakas loob na kahit papano just for today, kahit ngayon lang gusto ko ipakita kay Liam how I really feel, tanggalin ko muna ang hiya sa katawan ko.

 

Breathe in , breathe out.

 

Hinaplos ko ang muka niya at binaling ag atensyon niya sa akin, nakita kong nagulat siya na ako yung kaharap niya. Ningitian ko na lang siya at pinahiran yung tumulo niyang luha, ayaw ko siya nakikitang ganito.

 

“Tara Liam bili tayo ice cream,” bungad ko. Kung makikita lang ni Liam yung pagface palm ko sa isip ko, bakit kasi yun pa una kong sinabi sa kanya.

Ang Manhid kong Pagibig (Pinoy boyxboy spin-off story)[COMPLETE]Where stories live. Discover now