Ang Pinagmulan ng Rosas

137 64 50
                                        

Sa nayon ng San Antonio may naninirahan pamilyang Ortega, sila ay simpleng pamilya, nagmamahalan, masaya at may isa silang anak na nagngangalang Rosa Ortega. Si rosa ay napakasimpleng babae, maganda, mabait, may takot sa Diyos at higit sa lahat mapagmahal sa kapwa tao. Tinutulungan niya nag kanyang mga magulang sa gawaing bahay, kilala si rosa sa kanilang nayon na bilang mabait na anak. Sa paaralang Gomez Natonal High School ay may mga mayayaman, mahihirap, mababait, matatalino, meron rin makukulit at marami pang karacter ang isang institusyon. Nag-aaral si Rosa sa Gomez National High School nasa ika- syam na baitang sa sekondarya, maganda ang kanyang marka, palaging nangunguna sa klase, NBSB o No Boyfriend Since Birth natatakot siyang umiibig baka kasi masaktan siya at paglaruan lang. May pinakasikat  sa kanilang paaralan si A.J Lawrence Gomez sapagkat sila ang may-ari ng paaralan at maraming negosyo sa ibang bansa ang kanilang pamilya. Napakagwapo ngunit napakatamad nitong mag-aral palagi nalang lumiliban sa klase og di kaya kapag nasa klase naman ay tulog buong oras sa klase. Isang araw pinatawag si Rosa sa opisina nang kanilang guro at sinabihang tulungan si A.J na maging aktibo sa klase. Twing sabado at linggo ay ay dapat maging study buddie sila pupunta si Rosa sa bahay nila A.J. Unang- una ay nahirapan si  Rosa sapagkat napakatamad ni A.J mag-aral tiniis niya ito dahil eskolar siya sa paaralan. May pagkakataon na lumiliban si A.J sa kanilang group study mismo si Rosa ang hahanap kay A.J sa computer shop para umuwi sa kanilang bahay upang mag-aral. Unting-unting nagkamabutihan ang dalawa may pagbabago na kay A.J naging aktibo na ito sa klase at palag i na niyang sinasabayan si Rosa. Sa twing nag-aaral sila si A.J na mismo ang maghahanda ng kanilang meryenda at sa twing uuwi na si Rosa ay nagpapasalamat na ito sa kanya. Lumipas ang dalawang buwan ay nagkadebelopan ang dalawa dahil palagi silang nasasakasama. Isang araw nasa bahay si A.J ay naghahanda sya ng maraming lobo at bulaklak sa loob ng kanyang kwarto, kayat pagdating ni Rosa sa kwato ni A.J ay natulala sya sa kanyang nakita, habang hawak ni A.J ang kartolenang may nakasulat na " Will you be my girl" ay unti unti nitong lumapit kay Rosa at tinanong niya ito kung maaari bang maging sila . Hindi naman naintindihan ni Rosa ang kayang damdamin na halong saya at takot pero mas pinili niyang maging masaya kayat ang sagot niya ay "Ou" . Napakasaya nang dalawa sa kanilang relasyon kahit na tinatago nila ito sapagkat magagalit ang kanilang mga magulang. Lumipas ang tatlong buwan naging masaya ang kanilang relasyon kahit na patago ito , at nasa ikasampung baytang na sila sa sekondarya . Bagong pasukan may bagong babaeng lipat sa kanilang paaralan siya ay si Janine Mendez , galing sa mayamang angkan , kasosyo nang mga magulang ni A.J sa negosyo , maganda , palaban , matapobre , at ang magiging asawa ni A.j sapagkat pinagkasunduan ng kanilang mga magulang na ipakasal sila pagkatapos nilang mag-aral . Hindi alam ni Rosa ang tungkol dito . Napapansin ni Rosa na umiiwas sa kanya si A.J . Si A.J naman ay gusto niyang lapitan si Rosa pero hindi pwede dahil dikit nang dikit si  Janine sa kanya .Nabalitaan ni Rosa nalang sa buong kampus na si Janine at A.J ay mag syota na . Napakasakit ang mga sandaling iyon para kay Rosa , sinugod ni Janine at sinabihang wag nang lalapit kay A.J sa kanya at hindi sila bagay dahil mahirap lang ito . Hindi maipaliwanag ni Rosa ang kanyang damdamin kinimkim lamang niya ang sakit sa kanyang puso . May mga araw na lumiliban si Rosa sa klase dahil nagkasakit . Sa ngayon ay lumala ang sakit ni Rosa sa puso at nang hindi kayang ipagamot nang kanyang mga magulang ay nangungutang na lamang sila sa mga kapitbahay at kaanak upang maipagamot si Rosa , pero sa kasamaang palad walng perang mahihiram sapagkat pareho lamang sila nang estado sa buhay .Unti unting lumala at nanghihina si Rosa hindi na ito pumapasok sa klase dahil sa kanyang kondesyon. Isang araw habang ang mga magulang ni Rosa ay nasa kusina upang maghanda nang kanilang hapunan ay nakarinig sila nang malakas na pagbagsak mula sa kwato ni Rosa , agad agad na tumakbo  ang kanyang mga magulang sa kanyang silid ay nadatnan na lang nila na namatay si Rosa. Napakasakit para sa kanila ang mawalan nang nag iisang anak na sobrang bait . Isang linggo ay inilibing na si Rosa maraming dumalo sa libing na iyon . Lumipas ang limang Buwan ay nabalitaan Ni A.J na namatay na si Rosa hindi ito niya  nalanghap nang maaga ang balita tungkol sa sakit ni Rosa sapagkat pumunta ng kanilang pamilya at si A.J sa Amireka upang magbakasyon , kayat umuwi si A.J sa Pilipinas at kaagad na pumunta sa puntod ni Rosa . Pagdating niya sa puntod ay may nakita siyang kakaiba na bulaklak , ito ay maganda , mabango ngunit may tinik . Ang nasa isip ni A.J ay si Rosa na kahit na namatay na ito dala parin niya ang sakit na nararamdaman, nagsisi siya dahil hindi niya ipinaglalaban ang kanilang pagmamahalan , ngunit huli na ang lahat hindi na niya maibabalik ang buhay ni Rosa . Kayat simula noon tinatawag na "ROSAS" ang mga bulaklak na sumisimbulo nang kadandahan , mabango ngunit may tinik na sumisimbulo nang masakit na nararamdaman na pilit na tinatago.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Pinagmulan ng  RosasStories to obsess over. Discover now