Text: Story of Bestfriend

12.2K 181 16
                                    

A/N: matagal na itong storyang to. 2010 ko pa yata to itinype sa Notes sa Facebook noong kasikatan nito. Dahil sa naluha ako sa kwentong to, pinagtyagaan kong iPause at iContinue tapos iPause ulit ang Video para lang maitype to ng maayos. Uhm. Hindi saken ang Kwentong ito. Sulat to ng Idol ko. Inabot ito ng napakaraming likes at sobrang sumikat, nagawan pa ng madaming FanVid, ang isa sa mga FanVid ay gawa ng JaMich. Gusto ko lang mag ThrowBack at ishare ulit tong kwentong to kahit wala ng Music para sa hindi pa nakakabasa.

- Excustion

------

Play: Para sayo by Aiza ~

"text"

Isinulat ni Marcelo Santos III

sabi nila...

Masarap magkaroon ng bestfriend

May taong poprotekta sayo.

May taong magpapasaya sayo.

Pero handa mo bang itaya ang Pagkakaibigan?

Para sa hinahangad mong Pagmamahalan.

At ito ang kwentong para sa inyo.

--------------------------------------------------------------------------

Ako si Princess.

Grade three pa lang ako..

Palagi ko nang kaklase si Ivan

Pati sa highschool..

Hanggang ngayong college.

Magkaibigan kasi mga magulang namin.

Kaya kung nasaan ako.

Nandun rin siya.

Isang araw..

"Bakit sumali ka sa fraternity?"

"Wala lang. gusto ko lang."

"Alam mo bang delikado yan?"

"Alam ko tong pinapasok ko."

Matapos ang araw na yun..

Hindi ko na siya nakikita sa school.

Hindi na rin siya nagtetext.

Kamusta na kaya siya?

Pinuntahan ko siya sa bahay nila..

Pero hindi ko siya naaabutan

Namimiss ko na yung bestfriend ko.

Namimiss ko na si Ivan.

Ang lalaking..

Lihim kong minamahal.

Lumipas ang mga araw..

Madalang na siyang pumapasok.

Minsan kinausap ko siya..

Pero parang iniiwasan niya ako.

"Ano bang nagyayari sa iyo Ivan?"

"Wala."

"Meron kang hindi sinasabi sa akin."

"Wala akong dapat sabihin."

"Anong wala? Bakit palagi kang absent?

..Bakit palagi kang umiiwas?..

..Bakit hindi ka nagrereply sa text ko?"

Bigla siyang umalis palayo sa akin.

Hinabol ko siya.

"Ivan, ano ba talaga nangyari sayo?"

Humarap siya sa akin..

At nag salita..

"Bakit mo ba ako pinapakielaman?..

.. Ano ba kita?"

Natahimik ako sa sinabi niya.

Ano niya ako?

Isa lamang akong hamak na bestfriend.

Hanggang dun na lang yun.

Umalis siya at di na nagpakita.

Hindi na rin ako nagtext.

Hindi na rin ako pumupunta sa kanila.

Makalipas ang 2 linggo...

May natanggap akong balita.

Nasa ospital daw si Ivan.

Malubha ang lagay.

Agad akong sumugod sa ospital.

Pero pagdating ko..

Wala na siya.

Namatay si Ivan sa hazing.

Halos namatay na rin ang puso ko.

Parang ayaw ko na ring mabuhay.

Iba tong nararamdaman ko eh.

Mahal ko siya pero huli na.

Mahal ko siya pero wala na.

Niyakap ako ng mama niya.

At inabot sa akin ang cellphone ni Ivan.

"Princess, iha, basahin mo."

'PARE, HUWAG NIYONG GALAWIN ANG BESTFRIEND KO.

GINAWA KO NAMAN ANG SINABI NIYO DIBA?

NILAYUAN KO NA SIYA.

BASTA HUWAG NIYO LANG GAGALAWIN SI PRINCESS.

MAHAL KO YUN EH.'

The end..

Sad. :(

Panuorin nyo ung video... Mas maganda

http://www.youtube.com/watch?v=CmuEj-rs-Ig

vote.

Text: Story of BestfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora