Moving Up Ceremony

3 0 0
                                    

March 31

Kinuha ko ang phone ko, nagtext ng random. Sa mga nakilala ko sa app na Tinder. Kung saan naglipana ang mga account na imbento at sari-saring picture either para maimpress ka orr macurious ka.

Kinuha ko ang phone ko, nagtext ng random. Kailangan ko magpanggap na busy ako. Ipakita kay Karl na wala na akong care sa kanya.

"Hoy Chari, simula na ng parade. Text ka pa ng text dyan" sabi ng co-teacher ko.


Yup, Ako ay isang 22 year-old teacher sa isang public high school somewhere in Manila but i live in Cavite talaga. Napadpad don ng di inaakala. Sinwerte. Wala mang gandang tunay, at least may swerte naman.. Madami ako nyan.

"HAHA! OO nga maam. Di ko napansin (pakielamerang matandang dalaga ka) " Nakangiti kong sagot sa coteacher ko.

Chari ang ang tawag sakin sa trabaho at ikakamatay ko kung malaman sa workplace ko ang palayaw na chaki. At hanggang ngayon na 22 na ako, isunusumpa ko parin ang nagbinyag sakin ng palayaw na yan, si Alvin. Ang pinsan kong sira ulo simula ng bata pa kami. Na kahit pilit ko pang baguhin yung palayaw na yan habang nagdadalaga ako like from chaki to cha to charm to rissa.. anak ng patola talaga na bumabalik parin talaga ang mabahong pangalan na yan.


Moving up ceremony ng grade 10. Dun sa eskwelahan namin na may malaking stadium. AT kailangan mapansin ni Karl na move na move na ako sa idea na magustuhan nya din ako.. Si Karl?? Uh.uh.. Hindi sya principal, hindi sya teacher at hindi sya isang janitor. Na sana nga isang janitor nalang sya sa school. Estudyante ko sya. Isang grade 10 student. Pero hindi talaga sa kanya tatakbo ang storyang tunay ko tungkol sa pag-ibig.


Nagkagusto ako sa isang estudyante at akala ko magkakagusto din sya sa akin dahil sa paghanga na "Wow, ang talino naman ni maam"  or magiging proud sya na ang nagkakagusto sa kanya at ang magiging gf to be nya ay isang teacher... Dahil may nararamdaman din ako na gusto nya ako... Orrr baka inakala ko lang yon. Imahinasyon. Na nila-like nya mga status at photos ko sa FB at kabisado nya din mga posts ko at mga rants ko sa fb.

Yun pala, kahit estudyante na, aba, hindi ko parin mabibingwit. Sobrang pangit ko ba? O choosy lang sya masaydo??? Matalino naman ako?? Anyway, wala narin naman akong pakelam sa kanya today at kung san man sya nag-grade 11 at kung anong track kinuha nya. Balita ko STEM, pero sana nagTESDA nalang sya, nagwelding at nasunog.


Anyway... sya din dahilan kung bat ko kinailangan mag-Tinder. Nakipagkita ako dito sa best friend kong bakla na nagpapanggap na lalaki since birth hanggang college at nang hindi na sya nakatiis dahil naaamoy na sya ng iba ko pang classmates ay aminado na sya ngayon sa workplace nyang badap sya slash bakla slash binabae by heart slash paminta at ewan ko kung ano pang term don. At mukhang mas masaya na sya ngayon sa pagiging bakla.

Last Feb2016 yon. Sa MOA. Nagkita kami para sabihin ang problema ko na in-love ako. Pero hindi ko sinabi na sa isang estudyante..

Jeck: Sino ba kasi yan? Bat ayaw mo sabihin?

Ako: Basta... Basta bawal ko sya magustuhan at sobrang nasasaktan ako bessss

Jeck: Hindi mo naman siguro estudyante yan diba Santos?!

Nahirinan ako non. JOKE. Kapag pinepeke mo ang storya may kasama talgang nahirinan everytime na magsisinungaling ka. Pero hindi tlaga yan ang madalas na nangyayari.. Mapapahinto ka at biglang magsasalita ng

"HINDI! Syempre hindi noh!! HAHA Funny mo tlaga"

Matic  na yan. Pero hindi yata pang-matic ang hindi mo pagsasabi ng katotohanan sa best friend mong bakla na may matalim na dila pagdating sa katotohan.. so ang option mo ay medyo i-twist ang kwento.

At yun ang nangyari..

Jeck: Mag-Tinder ka. Madami dun..

Ako: Anu ba yun?

Jeck: App yon. May nakilala ako don

After non, nagboy hunting na kami sa MOA dahil trip nya yung mga ganun. Lumabas kami ng resto at ako na naman nagbayad sa kinain namin as always.


And before this moving up ceremony, Ive been depressed so many days sa nararamdaman ko sa Karl na yan. Fully depressed. And days passed tinry ko nga ang Tinder.

TINDER: OPEN-MINDED KA BA?!?Where stories live. Discover now