My GAY? boyfriend :">

286 3 0
                                    

Haaay! Buhay nga naman! -_-

"Pre! Anyare? Bakit naka-busangot ka nang ganito kaaga?" tanong ni JC na bestfriend ko.

Andito kasi kami sa Tambayan namin. Ang quadrangle ng Village namin. Ewan ko nga ba. Ang aga kong sumpungin. Well they're used to that actually. Ako nga pala si Zack. Ako ang pinakamabait sa barkada namin, Ako yung pinaka palangiti, ako yung may positive side. Hindi gaya nila... Puro kalokohan lang ang alam.

"Ehh paano? Siguro namimiss nanaman niya Si Claire! Ang one and only niya! HAHAHA" Pang-aasar ni Kyle. Tss 

"Sige Tumawa lang kayo! Bakit ba kasi ang aga-aga nating nandito? Kailangan ba talagang tatlo tayong nandito ng ganito kaaga?" Tanong ko. Napuyat kasi ako, Alam niyo na? Magdamag kasi kaming magkatext ni Claire! 

Si Claire ang Long-term Girlfriend ko. Mag-iisang taon na kaming may relasyon. Open din kami sa kanya kanyang pamilya. Kilala ako ng parents niya kilala din siya ng parents ko. Pero dumaan din naman kami sa pasikretong relasyon noh! Sino bang hindi? hahaha Ang swerte ko nga na't ipinakilala na rin niya ako sa parents niya, well pagkatapos yun nung ipinakilala ko na siya sa parents ko. Luckily pabor ang parents namin. Kaya ayun! Wala kaming problema so Far. Pero that doesn't mean na wala kaming pinag-aawayan huh? Ofcourse hindi naman mawawala sa isang relasyon yun. SPECIFICALLY ang selosan, Mas madalas na magselos si Sandy kaysa sa'kin ewan ko ba, Siya at siya lang naman ang Gusto ko pero bakit hindi niya maiwasang magselos kay...

"S-Sandy? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Yes. Si Sandy, siya yung babaeng bestfriend ko, kaya lang kahit ilang beses ko ng sinabi kay Sandy na bestfriend lang ang tingin ko kay Sandy eh ayun! Magseselos at magseselos pa rin siya kapag nakita niya akong kasama 'tong si Sandy.

"Asan si Claire? Bakit hindi mo ata kasama ngayon?" tanong ni Sandy.

"Uhh eh baka tulog pa yun. 8am pa lang. Late na din kasi kami natulog last night. Matagal tagal din kaming nagkatext kagabi ehh. Tsaka itong sila JC pinilit lang akong bumangon. Ikaw? Bakit ang aga mo?" Awkward na tanong ko.

Minsan na kasi kaming nagkausap nito... Ilang buwan na ang nakalipas nang huli kaming magusap.

*Flashback*

"Talaga? Mas pipiliin mo pa yung Girlfriend mo kaysa sa'kin na Bestfriend mo?" naluluhang tanong niya.

"No." simpleng sagot ko.

"kung ganun? bakit mo ako iiwasan? Bakit kailangan kitang layuan? Ayaw mo na ba akong maging bestfriend?"

"Di porket lalayuan kita eh hindi mo na ako bestfriend. Alam mo naman yun di'ba? Bestfriend kita pero siyempre kailangan ko rin yung tiwala ng girlfriend ko." Sagot ko. Actually hindi ko alam kung tama bang piliin ko ang Girlfiend ko kaysa sa kanyang Bestfriend ko ng ilang taon.

"Sige, Sorry kung lagi ko kayong pinag-aaway huh." tumungo siya sabay sabi ng "Sana maging masaya ka sa naging desisyon mo." pagkasabi niya nun tumalikod na siya para iwan ako.

Sinubukan ko siyang habulin pero huli na. Tumakbo na siya palayo.

*End of Flashback*

"Uhh Paano bro? May bibilhin lang kami ni Kyle huh? Diyan lang kayo." naka-grin na paalam ni JC.

"Huh? uhh sige." sagot ko.

"Uyy! Sama ako!" Sabi ni Sandy pero huli na. Dahil hindi na siya narinig nila Kyle.

"Uhh kamusta?" kakamot-kamot ako sa batok na nagtanong.

MEDYO AWKWARD kasi.

"Uhh Ok lang. Ano bang meron? pinapunta lang naman din nila ako. Hindi ko alam na pupunta ka rin ng ganito kaaga." sagot niya.

"Wala namang problema dun. Uhh hindi ko alam. Akala ko nga magja-jogging kami uhh tayo pala." ang tipid na sagot ko.

Haaay. Namimiss ko na siya, yung dating siya, yung dating kami. Pwede pa kaya ibalik yun? Sabihin ko kayang namiss ko siya? Baka sakaling mabalik ko pa yung dating kami. SIGE!

"Sandy..."

"Zack..."

NAGKASABAY PA. >.<

"Ayy sige una ka na." Sabay nanaman.

"Haha sige una ka na magsalita." Sabi niya.

"No. Ladies first." nakangiting sagot ko.

"Uhh wala. Sasabihin ko lang na una na ako. Akala ko kasi kung bakit. Maiwan na kita huh. Bye." Nakangiting paalam niya. Kasunod nito ang pagtayo niya at pag-lakad niya palayo sa aming tambayan.

"Aaargh! Dapat pala nag-pauna na ako!" naiinis kong sinabi.

Mukhang seryoso siya sa pag-layo sa'kin. Tss. Bakit kasi ganito?! Tsk.

"Ngayon nagsisisi ka na noh? Sabi na nga ba ehh!" Sabay na sigaw nung Dal'wa.

O___O nakita nila?

"Oo. Kitang-kita namin yung AWKWARD moment niyo!" Sabi ni JC.

"So ito pala yun? Isang Set-up?" Tanong ko.

"Alam mo Dude? Ang tanga mo! Sinong lalaki ba ang ipagpapalit ang bestfriend niya ng ilang taon sa girlfriend niya na kailan pa lang nakilala?" Sabat ni Kyle.

"Oo nga. Hindi naman sa boto kami kay Sandy huh? Pero the way she looked at you? Iba ehh. May Dating, may laman, kumbaga may SOMETHING! MAY FEELINGS! Pero ano? pinansin mo ba? Di'ba hindi? Sayang si Sandy kung pinakawalan mo na lang basta." Sabi pa ni JC.

"Tara na dude. Sayang lang yung effort natin na pag-usapin silang dal'wa." Aya ni Kyle.

"Tara na. Zack... Sorry we did our best but that wasn't enough. Sorry." Sabi ni JC. "Tara na kyle." Kasunod noon ay umalis na din sila.

Haaaay! Sandy! Ano nga ba ang gagawin ko para mapasakin kang muli?! Teka, Akin ka nga ba o masyado lang akong nagiging Selfish???

My GAY? boyfriend :&quot;&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon