Hindi naman issue sa amin ang pag-uunder time as long as magawa namin yung mga kailangang gawin though hindi naman talaga undertime yun kasi eight hours ang minimum na dapat ipasok namin from monday to saturday excluding the one hour lunch break.

Sabi kasi nung inorient kami, mas mabuti na daw na hindi pumapasok pero nakakagawa ng mga pinapagawa kesa naman pumapasok nga, hindi naman nagpapasa or late naman or worst, maling mali yung pinapasa.

I look at my clock placed on the wall and saw that it's already 5:30 pm. Naisip kong magbabad muna sa bath tub para ma-relax naman ako. Mahaba pa naman ang oras.

Pumikit ako at pinilit ang sarili na mag-relax. Palagi na lag ganito. Lagi ko na lang naaalala yung mga nangyari noon.

I really wish I could move on already. Kahit ako nahihirapan na. Pero what can I do? Kahit anong pilit ko, hindi ko talaga magawa.

~I've got sunshine

On a cloudy day~

Napamulat ako ng mat biglang tumunog. I think that's my phone. May tumatawag ata.

~When it's cold outside

I've got the month of May~

Seriously, hindi ko alam kung ano talagang ringtone ko. Madalas kasi naka-silent mode ang phone ko or vibration mode lang. Hindi ko rin sigurado kung yung kanta ba ay for calls o para sa texts lang. Nagpipindot lang kasi ako niyan noon at hindi ko na pinakielaman pa ulit.

~I guess you'd say

What can make me feel this way~

Tumayo ako mula sa bath tub at saka nagsuot ng bath robe na malapit sa akin

~My girl

I'm talking 'bout my girl

My girl~

Kinuha ko ang phone at saka sinagot iyon.

"Hello?" I said.

["Babs!"] Halos ilayo ko ang phone sa tenga ko dahil tumili yung nagsalita. Hindi ko na kailangan pang tignan kung sinong tumawag dahil isa lang naman ang tumatawag sa akin ng Babs.

"Russia." She squealed again.

["Babs!"]

"Ano nga yun, Russia?"

["Makakasama ko ulit si Sir! Sasama siya sa atin mamaya!"] Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"What? Anong sasama sa atin? Wala naman tayong usapan para mamaya right?"

["Huh? It's saturday kaya!"]

"Yes, I know. Eh ano naman?"

["Jillinette Uzea Lopez Ybarra! Nag-uulyanin ka na naman! Di ba dati sabi mo sasama ka na next time na magba-bar sila Chona kasi nga hindi nakasama last week? And that next time is today kaya!"] Napasapo ako ng mukha sa tawag niya. Mukhang ilang beses ng nababanggit ang buong pangalan ko sa araw na ito.

Pero tungkol sa sinabi niya, naalala ko na. Pinasasama kasi nila ako dati sa kanila na mag-bar but wala ako sa mood that time so I told them na next time na lang but obviously, nakalimutan kong ngayon pala yun.

"I can't. Hindi ako pwede tonight."

["What? Bakit?"] Exagerated na sabi niya.

"Matthew called me. Kadarating niya lang galing sa project niya sa  Cebu."

["Ooh."] Sabi niya saka umirit pa.

"Para kang kinakatay na baboy!" Asar ko sa kanya.

["Grabe siya oh. Pero ehhh."]

"And what does that mean?"

["Shi Fafa Matt-yow fala ang shumawag shayo."] I rolled my eyes.

"Hindi pa kayo nagsisimula lasing ka na agad?

["Oy hindi ah! At saka huwag mo ngang ibahin ang usapan! Ikaw ha, mukhang napapadalas ang date niyo niyang si Fafa Matt-yow ha."]

"Friendly date lang yun. And FYI hindi kami madalas magdate kasi lagi siyang MIA as in missing in action."

["Halalalalala."] Sabi niya na parang si Vice Ganda. ["Dissapointed siya oh. Gusto mong lagi kayong nagdedate noh? Gusto mo siya noh?"]

"Russia, ano ka ba! We're just friends. Huwag ka ngang umiissue diyan."

["Hoy! Wag mo nga akong wini-'we're just friends' diyan. Ano kayo, KathNiel? 2020 na, Babs! Kasal na sila, may anak na nga tapos pini-peg niyo pa rin sila?"] Nakakaloka.

"Rush, KathNiel never told everyone they're 'just friends'. And please lang, wag mo ngang ipilit yung sa amin ni Matthew. Magkaibigan lang kami. Magkaibigan lang talaga kami!" Diba?

["Sinong pinapaniwala mo? Ako o ang sarili mo?"] Sasagot pa sana ako sa kanya ng may nag-doorbell.

Lumapit ako sa may pinto saka sumilip sa may peephole. Shit.

"Russia, bye na. Nandito na si Mathew at hindi pa ako nakakapagbihis!"

["What? Nakahubad ka? OMG magiging ninang na ba ako?"]

"Gaga hindi. Bye na. I'll just call you later."

["Grabe hindi makapaghintay. Gumamit kayo ng proteksyon, Babs ah? Wala pa akong pangbigay sa pasko!"] Pinatay ko na lang yung tawag dahil hahaba pa ang usapan kapag sumagot ako.

Binuksan ko ang pinto at saka pinapasok si Matthew.

"You're still not ready?" Alam kong nagtataka siya dahil hindi naman talaga ako nalelate sa usapan namin.

Pumasok naman siya agad sa loob saka humalik sa noo ko.

"Sorry. Tumawag kasi si Russia kanina kaya hindi ako agad nakapag-ayos."

"It's fine, Bubby. But you really should change na. You might get sick if you don't." Halos mawala sa isip ko na nakabath robe nga lang pala ako.

"Sorry talaga. Ten minutes. I'll be ready in ten minutes." Iginaya ko siya sa sofa at saka tumakbo papunta sa kwarto.

Nagmadali ako sa pagkilos. Kumuha na lang ako ng isang dark teal satin slip-on dress na ipinatong ko sa black shirt.

Habang nag-aayos ay napaisip ako sa tinanong ni Russia. "Sino bang pinaniniwala mo? Ako o ang sarili mo?"

Ugh. Magkaibigan lang kami ni Matthew. Sigurado ako dun. Oo at iba ang sitwasyon naming dalawa pero magkaibigan lang kami --hindi pwedeng maging more than friends?

I shook my head. Ugh. Palagi na lang ganito. Bakit ba kung anu-ano na lang palagi ang iniisip ko? Dati tungkol kay ano lang ngayon nadagdag yung kay Matthew. 

Shutabells. Mapapatay ko si Russia. Kung anu-ano pinapasok sa utak ko eh!

Tinuloy ko na lamang ang pag-aayos. I put on my usual look-- the no make-up make-up look dahil bukod sa nagmamadali na ako ngayon, hindi talaga ako komportable na makapal ang nakalagay sa mukha ko. Ang bigat din kasi sa pakiramdam.

Bi-nlower ko na lang ang buhok ko at hinayaang ilugay. Thank God for not having a bad hair day.

I get my black strappy heels and put it on. One last look in my full-length mirror then I'm off to go.

Pagkalabas ko ay agad na tumayo si Matthew sa kinauupuan niya. He looked at his watch and smile.

Natulala ako. Anong nangyayari sa akin?

No. Hindi pwede.

Matthew is just my friend. Yun lang.

Magkaibigan kami. Magkaibigan lang kami.

Just. Friends.

Right.

I need to convince myself more.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Letters to Romeo | #KNMelancholiaWCWhere stories live. Discover now