Prologo

796 18 18
                                    

Umiikot ang mundo!

Ramdam ko ang pag ikot nang paligid nang imulat ko ang aking mga mata. Pilit kong binangon ang sarili mula sa kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa mga hita ko. Parang pasan ko ang daigdig sa bigat nang nakadagan sa akin. Pilit akong kumawala at nakahinga nang maluwag nang matanggal ang mabigat na bagay na iyon.

Pasuray-suray kong tinahak ang di pamilyar na kwartong iyon hanggang sa makapa ko ang dingding. "Hay salamat! Nasaan ba ang banyo dito?" inis kong tanong habang iniinda parin ang sakit nang ulo ko.

Sunod kong nahawakan ang isang parang tela na kung hindi ako nagkakamali ay isang kurtina yon nang bintana na dali dali kong binuksan para magkaroon nang liwanag ang lugar na 'yon na sa sobrang dilim ay halos wala akong maaninag.

"Shit! Close that damn curtains! Someone's sleeping!"

Dinig kong sabi nang isang boses mula sa kung saang parte nang kwarto. Kinabahan ako bigla na may kasama pala ako sa kwartong iyon. Hindi ko halos maimulat ang mga mata ko sa antok at sa silaw nang araw mula sa bintana kaya hinatak ko uli 'yong tela sa kabilang direksyon dahilan upang kainin ng kadiliman ang buong kwrto.

Kakapa-kapa kong binaybay ang espasyo mula sa bintana habang iniinda ang sakit nang ulo ko. Parang sasabog yong ulo ko sa sakit at di ko maramdaman halos yong binti ko kung talagang nakalapat ba ang mga ito sa sahig.

"Ano bang ginawa mo Maika. Kaninong kwarto ba 'to?" ang dami kong tanong na di ko masagot.

Hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Hindi ko kilala 'yong boses na narinig ko kanina na ngayon ay unti-unti kong naaaninag na nakadapa sa kama habang nakatakip ang unan sa ulo niya. Hubong balikat ang nakikita ko na nagbigay sa'kin nang ibayong kaba.

"Diyos ko po! Anong ginawa mo Maika? Bakit may katabi kang lalaki sa kama?" napapikit ako sa reyalisasyon nang mga pagyayari kagabi na di ko maalala nang patulan ko ang pagyayaya ni Izza na pumunta sa bar para maglibang.

"Wala ka naman sugurong ginawang pagsisisihan mo, Maika." sabi ko sa sarili ko habang pilit na minumulat ang mga mata at sinipat ang sarili na kumpleto pa din sa kasuotan. Kahit sinong lalaki ay mahahalina sa kaseksihan nang suot ko.

Isang halter top na pula na gawa sa lace at hapit na hapit sa katawan na pinaresan ko nang itim na miniskirt ang aking suot.

Di man ako laging ganito mag-ayos pero maayos ko namang nadadala ang  mga damit na isinusuot ko.

Nakapa ko din ang isang pinto sabay pihit nang door knob. Magkahalong amoy nang sabon, toothpaste, shaving cream, shampoo at kung ano pang pabango ang unang sumalubong sa pang amoy ko. Banyo nga yon kung di ako nagkakamali.

Dali-dali akong pumasok sa banyo para makapaghilamos man lang. Nakapa ko ang switch nang ilaw sa gilid nang pinto nung papasok ako. Nagliwanag ito at nakita ko ang laki nang banyo na puti at asul ang pintura. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin sa banyo at laking gulat ko nang makita kong nagkalat ang lipstick sa mukha ko.

I've got lipstick on my face and a kiss mark on my neck.

That made me wide awake and stunned!

"Anong ginawa mo Maika? Wag mo sabihing nakipaghalikan ka sa kung sinumang lalaki pero di mo maalala?"

Dali dali akong naghilamos at hinablot ang isang puting tuwalya na nakasabit sa gilid nang sink na ipinamunas ko sa aking mukha at leeg. Ang gulo nang buhok ko na pinabayaan ko lang na nakapusod yong pagkakatali kagabi.

Dali-dali kong inayos ang aking buhok at damit saka lumabas nang banyo.

Tulog na tulog pa yong lalaking katabi  ko kanina sa kama.

Hinanap ko yong high heels ko at dahan dahang sinuot sa aking paa saka walang lingon-likod na lumabas sa kwartong yon.

"Nasaan ba kasi ako? Gaga ka talaga Maika!"

Nasa second floor yong kwartong nilabasan ko. Ang laki nang bahay na di ko alam kung sino ang may-ari.

Sa nakakabinging katahimikan na sumalubong sa akin ay alam kong walang tao ang buong kabahayan. Kung sakaling meron man at tiyak tulog pa ang lahat.

Halos talunin ko ang mahabang hagdan sa pagmamadali ko at sa kagustuhang makalabas na sa bahay na iyon.

Nakakalula ang laki nang bahay at nakakabingi ang katahimikan.

Bakit di ko maalala na pumasok ako sa bahay na ito kagabi? I can't be unconscious when I got here. Ganun na ba ako kalasing?

Naramdaman ko na naman ang pagkirot nang ulo ko eksaktong palabas na ako nang gate nang bahay na iyon.

Gulat na gulat ako nang makitang isang mamahaling subdivision ang kinalalagyan nang bahay at kitang kita ko ang buong syudad sa ibaba habang nakatayo sa labas niyon.

Sino bang nasamahan mo Maika at di basta-basta and lugar na kinatatayuan mo ngayon?

''Ay naku, paano ba 'to?'' tanong ko sa sarili ko habang inilibot ang paningin sa paligid sa pag-asang may makitang tao na pwedeng mapagtanungan o mahingan ng tulong.

Paano ka ngayon uuwi Maika del Sol?

Meeting MR. ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon