Masayang nag-ayos ang lahat ng miyembro ng SSC para sa gaganaping mini band concert sa campus ng Scarlet University.
Isa itong palahok na kung saan nagpaparticipate ang lahat ng banda na meron ang bawat branch ng Scarlet University. Ginaganap ito every end of foundation week.
Hindi maikakaila ang sayang nararamdaman ng mga estudyante ng unibersidad. Isang masayang gabi na naman ang magaganap mamaya maya lang.
****
Missouri P.O.V
Nakarinig ako ng busina mula labas ng bahay na siyang hudyat na nandito na ang makulit kong bestfriend na si Maika.
At dahil nandito narin naman ang bestfriend ko na may dalang kotse tinatamad na akong magdala ng kotse.
"Bes, papasok na ako ha" narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang mga yabag na nanggagaling mula sa tunog ng heels niya.
Ang girly talaga ng babaeng ito. Maski sa ganitong occassion kailangan nakaporma pa siya take note: nakaheels siya. Well goodluck mamaya sa concert, huwag lang talaga masira ang heels niya mamaya kung hindi tatawa talaga ako ng malakas
"Hoy bruhalitang Missouri ano na? Nakain kana ba ng inidoro? Ang bagal-bagal mo." Panenermon niya.
Kahit nasa cr ako rinig na rinig ko ang lakas ng boses niya. Yung totoo? May nalunok ba siyang microphone?
"Patapos na po!" Sigaw ko na tama lang para marinig niya.
"Bilisan mo kung ayaw mo maubos ang donut mo sa ref hahahahahahahaha"
Oh my gosh yung pinakamamahal kong donut.
Hindi ko pa nga nababawasan 'yon tapos siya unang kukuha. No way norway!
After 5 minutes lumabas na ako sa cr at nakita ko ang bestfriend ko sa kusina na busyng-busy sa pagnguya sa pinakamamahal kong donut.
"Ya!!! Maika Rosales!" Padabog akong naglakad palapit sa kaniya sabay pitik sa noo niya.
"Aray ko!" Mangiyak ngiyak siya habang hinahaplos ang noo niya. Dapat lang sa kaniya 'yon.
Inunahan pa ako ng gaga kainin yung donut na binili ko. Nakakainis.
Hindi sa madamot kaso naglilihi ako sa donut pero charot lang hindi ako buntis, sadyang favorite ko lang talaga ang donut at naiinis ako tuwing kinukuha ng kung sino ang pagkain ko lalo na yung paboritong pagkain ko pa.
"Alam mo namang madamot ako diba?" Pantataray ko.
"Tss ang damot mo" sambit niya sabay inom ng tubig.
"Hindi ko pa nga nakakain ni isa niyan eh" naiirita talaga ako. Naku talaga kung hindi ko lang talaga bestfriend ang isang ito baka nakipagsabunotan na ako.
"'Wag kang mag-alala pagtae ko ng kinain ko bibigay ko sayo" pang-aasar niya. Hahampasin ko sana siya kaso nakailag agad. Tingnan mo nga naman.
"Bilisan mo na nga baka malate pa tayo!"
"Duh... for your information Ms. Maika Rosales wala po tayong klase ngayon. Okay bye magbibihis pa ako."
"Whatever" sagot niya. Kukuha pa sana siya ng donut sa box ng bigla kong pinalo ang kamay niya.
"Don't you dare" Yakap yakap kong kinuha ang donut atsaka dumiretso sa ref para ibalik sa kinalalagyan niya.
"Bumili ka ng sa'yo intiendes?"
"Ang damot mo!"
"Yah I know" walang ganang sagot ko.
Pagpasok ko sa kwarto pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang tuwalya atsaka binlower. Pagkatapos naglagay ako ng lip tint at kaonting blush on.
Perfect.
At dahil foundation day pa rin ngayon pwede kaming magsibilyan.
