Kabanata 2: Balakid

1.2K 38 0
                                    

"That is how I know you go on."

Si Ether ay nasa likod pa rin ni Amihan habang nagtutungo siya sa Lireo. Sa gitna ng pagkalalakbay ni Amihan papuntang Lireo ay may naramdaman siyang nilalang na sumusunod sa kanya.

"May nilalang ba rito? Magpakita ka!" isinigaw ni Amihan. Sa loob niya'y may takot siya sapagkat maaaring ito ang babala ni Emre.

"Lumabas ka!" natatakot na sinabi ni Amihan. Sinubukan niyang gamitin ang kanyang kapangyarihan na maglaho ngunit kakatungtong niya lamang sa lupa kaya't hindi pa gaanong malakas at sanay ang kanyang katawan.

Nagpatuloy si Amihan sa kanyang paglalakbay na may pag-aalinlangan. Sa loob niya ay nagdasal siya. "Mahal na Emre, gabayan niyo ako. Hayaan niyong maging sapat ang aking lakas upang malabanan ang mga maaring mangyari na hindi kanais-nais." natatakot na ipinarating ni Amihan sa Bathala.

Dali-daling tinuklaw ng Bathaluman si Amihan. Nawalan ng malay si Amihan at napahiga sa lupa. Nag-ibang anyo si Ether bilang isang kalahating tao at kalahating ahas.

"Ngayon, Amihan. Hindi mo na muling makikita ang iyong mga minamahal. Hindi ka na rin magiging sagabal sa aking mga plano. Hahahaha!"

.
.

Bumalik si Ybrahim sa kanyang kama. Bago siya matulog ay inisip niya ang kanyang mga napanaginipan. Labis na siyang nangungulila kay Amihan. Umagos muli ang kanyang mga luha.

"Amihan, sana'y ligtas ka at maayos." ibinulong ni Ybrahim sa hangin. Lubhang nag-alala ang Rama sa kanyang iniirog. Huminga siya ng malalim upang mapakalma ang sarili.

"Nawa'y ikaw ang hangin na ito, ngunit hindi." malungkot na sinabi ni Rama. Inilabas niya ang brilyante ng hangin"Brilyante ng Hangin, brilyante ni Amihan, muli mong ipadama sa akin kung paano ako niyakap ng aking mahal na Reyna." utos ni Ybrahim sa Brilyante.

Kanyang tinanggap ang pagyakap ng hangin. Sa kaunting sandali na iyon ay naramdaman niya muli ang kanyang mahal na reyna.

.
.
.

Sa Lireo ay nagtipon-tipon ang mga diwata upang pag-usapan ang tungkol sa Etheria.

"Muros, ulat." binigkas ni Danaya sa buong konseho.

"Mahal na Reyna, sa aking pagmamatiyag sa Etheria ay may nakita akong isang babae na naka-upo sa trono. Siya maari ang reyna ng kaharian. Nakita ko rin si Ether dala ang isang katawan na walang malay." inulat ni Muros sa buong konseho.

"Nakilala mo ba ang katawan na dinala ni Ether?"

"Hindi, mahal na Reyna. Nakita ko lamang na may dala siyang katawan ng isang binibini. Umalis na ako sapagkat muntik na nila akong mapansin." wika ni Muros.

"Tannakreshna! Kung ganoon ay ipatawag mo ang Hari ng Sapiro ngayon din! Kailangan ng Lireo ang tulong nila."

.
.
.

Nagtipon-tipon ang mga Etherian kasama ng kanilang Bathaluman sa isang silid. Si Amihan ay naroon sa kanilang gitna.

"Aking mga alagad, nakikilala niyo ba siya?" tanong ni Ether sa mga Etherian.

"Siya si Amihan, ngunit sumakabilang-buhay na siya hindi ba?" wika ni Asval.

"Sino si Amihan?" tinanong ni LilaSari.

"Bathaluman, maaari mo ba ipakilala siya ipakilala sa amin ng Hara Andora?" pakiusap ni Andora.

"Si Amihan ay ang anak ng ikaapat na reyna ng Lireo na si Mine-a at ng yumaong Prinsipe ng Sapiro na si Raquim. Siya ang sumunod sa kanyang ina. May isa siyang anak, si Lira, na dapat ay ang susunod sa kanya ngunit si Danaya ang naging Hara sapagkat pumanaw si Amihan para sa ikabubuti ng Encantadia, para sa kapayapaan."

"Kung ganoon ay malaki ang maitutulong niya sa mga diwata kung nakatuloy man siya." wika ni Andora.

"Ano ang gagawin natin sa kanya, Bathaluman?" tanong ng Heran.

"Hindi ako ang mag-iisip ng gagawin sa kanya kung hindi kayo, upang masukat ko kung hanggang saan ang kakayanan niyo pagdating sa pagiging maparaan."

"Maaaring gawin natin ang ginawa sa akin. May ivtre tayong kukunin upang masakop ang kanyang katawan." binanggit ni Avria sa Bathaluman.

"Ngunit kaninong ivtre ang ating kukunin?" tanong ni Andora.

"Isa sa mga Heran. Si Hera Juvila at Hera Odessa lamang ang mga pagpipilian." sagot ni Avria kay Andora.

"Kayang kontrolin ni Juvila ang oras. Paano ito makakatulong? Maaari niyang itigil ang oras upang makapaghanda tayo ngunit hindi naman ito ganoonh kahalaga. Kung si Odessa naman, maaari niyang diktahan ang nararamdaman ng isang nilalang. Maari niyang baguhin ang nararamdaman ng mga diwata at paglabanin sila." sabi ni Andora.

"Magaling, Andora."

"Kukunin ko na ang ivtre ni Odessa at aking dadalhin rito upang isanib sa katawan ni Amihan." pamamaalam na sinabi ni Ether.

.
.
.

Sa Lireo ay nag-usap si Mira at Lira patungkol sa Etheria.

"Bessie, lagi nalang tayong tinuturing na parang mga bata, anong pwede nating gawin?" tanong ni Lira kay Mira.

"Lira, hindi ko rin alam. Kahit ako ay napapagod na sa ginagawa nilang ito." sagot ni Mira.

"Pero Bessie, kung nandito lang si Inay, sana na-wushu na natin mga kalaban."

"Tumigil ka na nga diyan! Nakakaloka ka. Mas mangungulila lang tayo."

"Pero Bessie, keribels naman nating makipaglaban di ba?"

"Ano? Susugod tayo? Saan? Sa Etheria?" gulat na sinabi ni Mira.

"Oo, Bessie. Tara!"

Nag-evictus ang dalawa papuntang Etheria.

.
.
.

Dumating si Ybrahim sa Lireo at naghanda na sila sa kanilang pagsalakay sa Etheria.

.
.
.

"Odessa, Odessa, Odessa. Hahaha! Ngayon, sa ilalim na ang kapangyarihan ay hinahayaan kitang sakupin ang katawan ni Amihan! Sa ilalim rin ng aking kapangyarihan ay aking papatulugin ang ivtre ni Amihan upang hindi makasagabal!" bulong ni Ether sa ivtre ni Odessa.

Sinakop ng kaluluwa ni Odessa ang katawan ni Amihan.

.
.
.

Nagpunta na si Lira at Mira sa Etheria.

"Bessie? Gora na ba tayo?" sabi ni Lira kay Mira.

"Tara, Esta Sectu."

Nakipaglaban ang mga batang Sang'gre at napasok nila ang Etheria. May pumaligid sa kanila kaya't naipit sila sa gitna.

.
.
.

Nagtungo na rin ang mga pinuno kasama ang Mashna sa Etheria. Gaya ng mga batang Sang'gre ay nakipaglaban rin sila. Naging madali ang kanilang pakikipaglaban sapagkat di alam ng mga alagad ni Ether na naroon sila dahil nagtipon-tipon sila sa muling pagkabuhay ni Odessa.

"Tara at pasukin na natin ang Etheria, ito na ang tamang pagkakataon." sambit ni Ybrahim.

.
.
.

Bumangon si Odessa sa katawan ni Amihan.

"Avisala, Hera Odessa." pagsalubong ni Andora sa kapwa nitong Hera.

"Avisala, Andora. Hara Avria. Bathalumang Ether, at kung sino man kayo."

"Odessa! Maligayang pagbabalik!" bati ni Ether sa isa sa kanyang mga Hera.

"Salamat, Bathaluman. Sandali lamang, may nararamdaman akong di maganda."

"Ang mga diwata, narito sila." pahayag ni Avria.

"Kung ganoon ay ipinagkakaloob ko sa'yo ang iyong pana, Odessa. gamitin mo ito upang makatulong sa pakikipaglaban. Kilos!"

"Ang aking pana, kailanman ay walang mas hihigit sa'yo. Ngayon, ako'y handa na. Esta Sectu! Oras na para muli akong makipaglaban."

My Heart Will Go OnWhere stories live. Discover now