Chapter 28 - "He's Definitely my Boyfriend"

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tinatanong mo ngayon kung ano ginagawa ko? Hindi mo ba nakitang binuhusan ko siya ng tubig? Baka kasi sakaling luminis ang pagkatao kahit pano.", sarkastikong sagot ni Demi habang nakacross arms. Nasa likod naman niya yung mga kabarkada niyang kasing dumi ng ugali niya. Dumami na rin ang mga estudyanteng nakikiusyoso samen.

"Get lost Madeline. Leave us alone.", seryosong sabi ni Chad.

"What? Don't tell me tinamaan ka sa makating babaeng yan? Hello? Chester, are you out of your mind? She's just using you. She's a gold digger bitch."

Hindi ko alam kung bakit natatameme ako sa mga sinasabe niya ngayon. Hindi ako to e. Ako si Yuri Kiana Chua, palaban at matapang. Pero bakit hindi ko magawang sagutin siya ngayon? Pakiramdam ko muka akong kawawang basang sisiw dito.

"Get out. I don't wanna see your face again.", seryoso pa ding sabi ni Chad.

"Tss. You're insane Chester. Hindi mo kil-----" - Demi

"I said GET OUT!", pagputol ni Chad sa sinasabi ni Demi habang nakaturo pa sa exit ng canteen.

"You'll regret doing this to me, Chester. I'll make sure na makakarating to agad kay Tita." -  Demi

Tinignan pa niya ko ng masama at tsaka parang napapahiyang lumakad palabas ng pinto kasunod ang mga alalay niya. Mukang ang mama ni Chad ang tinutukoy niyang Tita.

"*clap clap* Okay! Tapos na po ang palabas. Maaari na kayong bumalik sa mga kinakain niyo.", malakas na sigaw ni Dale sa mga tsismosang nanood sa eksena ng bruhang Demi na yon.

"Epal ka talalaga e noh?", pang aasar ni Enzo kay Dale nang bumalik na ito sa upuan niya.

"E kesa naman sayo, walang pakinabang.", sagot naman ni Dale kay Enzo.

"Are you okay?", napatingin ako kay Chad nang magsalita siya sa tabi ko. Mukang alalang alala ang istura niya.

"Mmmm.", tanging nasagot ko tsaka ko siya nginitian.

O_______________O

Nagulat ako nang bigla niya kong yakapin ng mahigpit!

"I'm sorry. Hindi ko siya napigilan.", narinig kong bulong ni Chad.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon