"MALAYA KA NA"

14.2K 83 9
                                    

             "MALAYA KA NA"

Paano na ako kung ika'y bumitaw na?
San na ako magsisimula kung gusto mo ng kumawala?
Hindi ko inaasahan na sa bawat kasama ka,
Nasa iba ang iyong diwa.

Anong kulang ko? anong pagkakamali ko? hindi ko inaasahan na sayo lng ako mabibigo.

Sa hindi inaasahang dahilan.
Nawala na lahat ng ating pinaghirapan.
Pinaghirapan na sa bawat araw ay masaya.
Masayang naglalambingan at nagkukulitan.
Nagkukulitan na hindi mapipigilan.
At pag iibigan na walang hiwalayan.

Nasan ka na kung mag isa ko na lng bubuohin ang mundo natin.
Mundo natin na ating dapat nating pasahin.
Pasahin sa bawat araw na nahihirapan.
Ngunit bigla ka na lng umalis ng walang paalam.
Walang paalam at walang pasabing "Iiwan na kita,AYOKO NA!"

San ba ako nagkamali?
Bakit di ko alam ang dahilan kung bakit ikaw ay lalayo?
May kulang ba ako?
O sadyang ayaw mo na kaya gusto mo ng lumayo.
Lumayo nga ba o may pumalit na saaking pwesto.
Pwesto na kahit kailan hindi matutumbasan ng bago mo.

Bago mong gusto.

Mahal mo na ba nung tayo pa?
O mahal mo ng talga!

Sana sinabi mo sa mga bawat araw na tayo pa.NA MAHAL MO NA SIYA.

Makakalimot din ako tulad ng pagbaon mo sa limot ng mga ala ala nating dalawa.
Nais kong ipahiwatig sayo na Kaya kong mag isa.
Sige na kung yan ang gusto mo pinapalaya na kita,di dahil sa gusto kong palayain ka.
Sa kadahilanang gusto kong masaya ka dahil mahal kita.
MAHAL KITA KAYA MALAYA KA NA.

SPOKEN WORD POETRY-TAGALOGWhere stories live. Discover now