Episode 50 || "Beautiful Disaster"

Start from the beginning
                                    

                After ng LAST AIR ng showtime 2 years ago ay agad na nag pakasal ang dalawa, at sa loob ng isang taon ay nagawa ito ng isang maliit na chikiting.

                “Tapos na ba naka dede ang jun-jun ko?” nakangiting wika ni Billy habang nilalaro ang sangol na karga ni Coolen.

                “Hon, ano ba.. natutulog na..wag kang maingay.. kitang natutulog ang bata” maktol ni Coolen habang nilalayo ang bata.

                Sumimangot si Billy. “Ang damot mo.. napapansin ko na dis past days na di mo pinapahiram ang anak ko..”

                “Pano ko ipapahiram sayo.. wala lang ginawa kundi paiyakin si potpot..” sagot naman ni Coolen.

                Tumaas ang kilay ni Vice. Of all ba naman na magagandang nickname POTPOT pa ang napili ng dalawa.

                “hindi---“

                “Shhh!..” awat ni Coolen kay Billy dahil nag simulang gumalaw ang 8 months old na baby boy na karga nito. “Ang ingay mo..” pabulong na wika nito. “Kunin mo ung sumbrero ni potpot, nasa kwarto..” utos nito sa asawa.

                Di nia mapigilang tumawa at tinapik ang likod ni Billy. “Utos ni Komander .. sumunod ka..”

                Nong una’y ayaw pumayag ni Billy sa utos ni Coolen pero ng pandilatan ni Coolen si Billy ay nag dadabog ang lalaki at kinuha ang sombrero ng bata.

                Nang umalis si Billy ay naiwan sila ni Coolen sa labas ng lobby.

                “Kumusta kana kua Vice..?” basag ni Coolen sa katahimikan.

                Lumingon sia at tiningnan si Coolen, gaya ni Billy ay may nagbago rin dito, di ito ang dating coolen na tahimik, mahinhin at bata tingnan. Ngayon, napaka MAMA ang dating nito, not in the way na MANANG, ung bang MOTHER lang tingnan, pero nanatiling maganda at seksi parin nito.

                Nakasuot ito ng white dress, habang ang baby nito ay  naka suot ng  suit and bow tie, at talaga namang namana ng Bata ang shape ng mukha ni Billy lalo na ang mata nito.

                “Tara na?” wika ni Vhong habang kasabay nito si Billy.

                “Oh.. San ka ba galing Vhong at bakit nauna pa ako rito..”

                “May kinuha—“

                “May kinuha daw tapos nadaanan kita kanina na may kausap don sa condo unit 234..” sumbong ni Billy.

                Nanlaki ang mata ni Vhong na para bang sinaway si Billy.

                “Ayan ka na naman sa kalokohan mo.. di ka pa ba.. napala kay Denise Cornejo?” asar nia kay Vhong.

                “Sira!.. klasmate ko un nong HS,nong lumabas sia ng napadaan ako..tapos nag kwentuhan lang saglit..” defensive na sagot ni Vhong.

                “Naku sinasabi ko sau.. baka mabugbug  ka nian..”

                Umi-iling ito at nag suot ng shades. “Di na mangyayari un.. nagbago na ako..”

Beautiful Disaster || Untold Stories || Vicerylle StoryWhere stories live. Discover now